17. Jay

1.3K 81 4
                                    

"ARE YOU sure, you'll be okay, Lara?" si Hugh. Nasa likuran nito sina Paige at Louie. Pauwi na ang tatlo nang lapitan siya sa counter. Tapos na ang set nila. Hindi nakasama si Gabriel sa gig nang gabing iyon, masama ang pakiramdam. Hindi nakabangon. Bagsak siguro sa kama. Hindi na nag-check si Lara. Umalis siyang mag-isa. Lagi namang available si Hugh para maging kapalit ni Gabriel sa vocals. Puwede rin siyang kumanta mag-isa.

"Okay ako, Hugh," sabi niya inubos ang laman ng wineglass. Humingi na naman siya ng refill. Napailing ang mga kabanda. Nagkatinginan. Na-stress yata na iiwan siyang walang tigil sa pagtungga ng alak.

Narinig ni Lara na tinawag ni Paige si JR. Hindi na niya nilingon kung lumapit na ang bar owner na kaibigan na rin nila. "Boss!" ani Paige. "Si Lara, naglalasing, eh. 'Di namin masasamahan hanggang mag-pass out—"

"Hindi ako magpa-pash out," agap niya, ang totoo ay kanina pa nahihilo si Lara. May ilang minuto na rin siyang nasa counter at naka-ilang refill na.

"Hindi magpa-pass out, pero slang na," si Louie naman.

"Hindi pa nga ako lashing!"

Napailing na lang ang tatlo.

"Ako na'ng bahala kay, Lara." Boses ni JR. "Si Gab ang naglalasing kanina, ngayon naman, si Lara. May hindi ba ako alam?"

"Boss," ani Hugh. "Kung anuman ang hindi mo alam, hindi rin namin alam!" Nagtawanan ang pa ang mga ito. "Just wait, may magko-confess niyan bago mag-umaga!"

Hindi na pinansin ni Lara ang mga kaibigan. Gusto niyang malasing. Gusto niyang mag-pass out para wala na siyang isipin. Gusto niyang makatulog at maliwanag na magising. Hindi rin niya gustong umuwi sa condo at ma-witness ang harutan nila Gabriel at Myca. Nakakainis lang talaga na hinahanap niya ang boses ni Gabriel at ang tunog ng gitara bago siya makatulog. Sinubukan niyang makinig ng music sa phone pero wala. Iba pa rin kapag si Gabriel ang kumakanta. Ang bilis lang niyang makatulog.

Hindi gusto ni Lara na mag-analyze. Ayaw niya ng dagdag gulo sa isip. Ang gusto niya ay makalimutan lahat—at makatulog.

Naupo sa tabi niya si JR. May hawak na rin na wineglass. Hindi umimik si Lara. Hindi niya gustong makipag-usap. Ang gusto niya, magpakalasing. "Nag-away ba kayo ni Gab, Lara?"

"Wala kaming pag-aawayan, Jay."

"Bakit ka naglalasing?"

"Wala lang," sagot niya, inabot ang wineglass at itinaas. "Gusto ko lang matulog. Cheers!" Saka sinaid ang alak.

Hindi na umimik si JR. Naging blurry na rin ang paningin niya at parang hindi na steady ang mundo—lumilindol na yata.

Ang huling natatandaan ni Lara, lumilindol talaga o nasa duyan lang siya. Parang nagmo-move talaga ang mundo pero blurry na ang paligid. Hindi na niya ma-check kung tama ang kutob niya.

Nang magbalik ang malay at katinuan ni Lara kinabuksan, na-shock siya nang makita ang sarili—maninipis na undergarments na lang ang suot niya!

Nagpapanic na ibinabalot ni Lara ang sarili sa kumot, bumalikwas ng bangon. Bumukas ang pinto at lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita si JR, basa pa ang buhok at topless!

Base sa mukha nito, nagulat sa sigaw niya.

Mas humigpit ang hawak niya sa kumot na nakabalot sa katawan. "A-Ano'ng nangyari, Jay? B-Bakit hubad ako?" Pinipilit alalahanin ni Lara ang nangyari sa bar pero bukod sa nasa counter siya at umiinom ay wala sa siyang naalalang iba pa.

"Hindi mo natatandaan?" balik ni JR, parang may iba sa ngiti nito. Kumabog ang puso ni Lara.

"Ang...Ang alin?"

"You asked for it, Lara," kaswal na sagot ni JR, ngumiti na.

Oh my God! No. No...humigpit lalo ang sapo niya sa kumot. Pinakiramdaman ni Lara ang sariling katawan. Wala naman siyang maramdamang kakaiba bukod sa masakit ang ulo niya. Ano'ng sinasabi ni JR?

"I—I asked for what?" at napalunok.

"For the thing that happened to us."

Ang lakas ng pagsinghap ni Lara. May nangyari sa kanila? Ano'ng kagagahan ang nagawa niya sa sarili? Hindi niya ibinigay ang katawan sa lalaking mahal pero sa ibang lalaking ni hindi niya karelasyon, nakipag-sex siya? And worst, hindi niya maalala! Gustong iuntog ni Lara sa dingding ang ulo.

Kumislap naman ang mga mata ni JR pero hindi ito ngumiti.

"M-May...may nangyari sa atin?" Nauutal na paniniyak niya. Gusto niyang manlambot hindi pa man sumasagot ang lalaki.

"Hindi mo talaga natatandaan—"

"Ay, Kuya, tigilan mo ang kalokohang 'yan!" Agaw ng boses babae. Kaagad hinanap ng mga mata ni Lara ang nagsalita. Nakasunod pala ang babae kay JR. "Magko-collapse na ang bisita mo, o, sige ka pa rin? Ang cruel mo talaga, Jack Rheus!" Ang babae na parang kaedad lang yata ni Myca.

Tumawa na si JR. "Ba't ka ba nakikialam sa usapang pang adults, Kim? Sa kitchen ka, ayusin mo ang brunch—"

"Handa na po! Hindi mo man lang ako tulungan do'n! Nang-aasar ka lang naman dito," saka bumaling sa kanya ang babae. "Ako'ng nagbihis sa 'yo," sabi nito sa kanya. "Lara daw ang name mo at best friends kayo ni Kuya Gab?" ngumiti ito, may para ng dumaang kislap sa mga mata nang banggitin ang pangalan ni Gabriel.

Hindi naitago ni Lara ang relieve na paghinga. Napabuga pa siya ng hangin sa ere.

"Nag-pass out ka sa bar," ang babae uli. "Dito ka inuwi ni Kuya." Paliwanag nito. "Basang-basa ang damit mo ng pawis kaya binihisan kita. 'Wag kang mag-alala, Lara, sa tabi mo ako natulog kaya hindi ka nasilipan ni Kuya." at bumungisngis ito.

"Si Kim, Lara." Si JR naman. "Younger and only sister ko." Natatawa pa rin ang lalaki. "Pina-dry clean ko na ang damit mo sa 'baba."

Napangiting sinulyapan niya ito nang matalim. Tumawa lang si JR. "Iniisip mo talagang ni-rape kita?"

"Malay ko ba, eh, wala nga akong maalala! Ang dami kong nainom—"

"Kuya! Kanina pa nagri-ring ang cell phone sa room mo!" sigaw dito ni Kim.

Nilingon lang ni JR ang kapatid. "Magbihis ka na muna. Brunch tayo bago kita ihatid."

Napatango na lang si Lara. Nang mawala na si JR ay binalingan niya si Kim. "Salamat, Kim, ha?"

"You're welcome!" sagot nito at pinakatitigan siya.

"Bakit?" na-conscious bigla si Lara.

"You know what? Gusto kita para kay Kuya Jay, Lara."

Napamaang siya kay Kim.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon