Epilogue

2.4K 82 23
                                    

~Our love was never wrong..

It will always be right..

My love for you will always be right..

Puting paligid, walang akong makita kung hindi puro puti. Ano bang nangyari sa akin? Wala akong maalala.

"A-anak.. gising ka na! Doc! Doc gising na ang anak ko!! Nathan, tawagin mo ang doctor!"

"Ma.. ano bang nangyayari? Bakit ba nasa ospital ako? Saka bakit nandito si Kuya Nathan? Di ba nasa Amerika siya?"

"Na-comatose ka anak dahil sa aksidente niyo ng daddy mo. Nabangga ang sasakyan na sinasakyan niyo noon."

"S-si daddy."

"Okay na siya anak. Huwag ka ng mag-alala. Masayang masaya ako anak dahil nagising ka na. Hindi ako nawalan ng pag-asa anak. I love you." ngumiti ako, ilang araw kaya akong tulog?

"I love you too, ma. Eh ma, ilang araw na ba akong natutulog?"

"A-anak kasi.."

"Bakit mommy?"

"Mahigit 1 year kang na-comatose." I was shocked. Gosh, isang taon akong natutulog dito?! Sleeping beauty lang ang peg ko!?

Dumating na ang mga doctor at pinalabas muna sila mommy. Madami silang chineck sa akin. Himala daw ang paggising ko. Dahil noon daw, machine na lang ang bumubuhay sa akin. Malakas yata talaga ako sa Diyos.

Pero kahit daw na okay na ako, hindi pa daw ako puwedeng lumabas dito sa ospital. Pero nag-insist talaga ako. Grabe no! Isang taon na ako dito, nakakaloka. Gusto ko ng umuwi.

Kaya walang nagawa ang mga doktor. Pero binigyan nila ako ng private nurse na makakasama ko palagi sa bahay. Okay, pumayag ako doon. Kung yun ang kailangan para palabasin nila ako.

Nag-stay muna ako ng ilang linggo sa ospital bago ako tuluyang payagan na umuwi.

"HAAAY! HOME SWEET HOME!!" gusto kong tumakbo papunta sa kuwarto ko pero hindi pwede dahil naka wheel chair pa ako. Kaya ko namang maglakad eh! Kaso ayokong suwayin si Mommy.

"Anak, magpahinga ka muna sa kuwarto mo ha. Mamaya maya darating na ang private nurse mo. Sa kabilang kuwarto siya matutulog para mabilis mo siyang matatawag kapag may masakit sayo o may kailangan ka." iniwan muna ako ni mommy.

Nagpaikot ikot ako sa kuwarto ko. Parang ang tagal ko na ngang hindi nakapunta dito. Nakakamiss naman. Binuksan ko yung radyo para naman hindi masyadong tahimik.

We were as one, babe for a moment in time

And it seemed everlasting that you would always be mine

For no reason, biglang tumibok ng mabilis yung dibdib ko. Alam kong favorite ko yung kanta ni David Cook pero parang may iba pang dahilan kung bakit ang lakas lakas ng tibok ng dibdib ko ngayon.

"Weird.."

Hinayaan ko nalang yung naramdaman ko at pumunta ako sa book shelf ko.. Inabot ko yung isang libro doon pero nagulat ako sa singsing na suot suot ko.

Gold ring siya na may diamond sa gitna.

"Kailan ko binili to? Parang wala akong matandaan na may ganito ako." pero noong hinawakan ko iyon, parang may kung anong kuryente na dumaloy sa puso ko. Parang nakikilala siya ng puso ko pero hindi matandaan ng utak ko.

"Ano ba yan, ganito ba ang mga naco-comatose? Nagiging weird? Nakakatakot baka mabaliw ako nito." kinuha ko na lang yung kimchi na pinabili ko kay Kuya Nathan kanina at kinain iyon.

Habang kumakain ako, may biglang kumatok sa pinto.

Pinaandar ko ang wheel chair ko papuntang pintuan at binuksan iyon.

Napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Isang lalaking nakaputi at pagka-gwapo gwapo. Yung buhok niya, pang KPOP, ang puti puti niya. Ang tangkad din niya, yung lips niya.. perfect curve. Yung mga mata niya.. parang pamilyar sakin. Ang gaganda ng mga mata niya. In other word, ANG GUWAPO NG NILALANG NA NASA HARAP KO!!

"Nako, pareho na tayong maglalaway niyan." sabi niya.

"H-ha? What do you mean?"

"Ako naglalaway diyan sa kimchi mo, ikaw naman naglalaway sa akin."

WHAT THE HELL?! YABANG AH!

Inabot niya yung kamay niya sa akin.

"Joke lang. By the way, I'm your private nurse. My name is JK."

~End~

(c)AiraRanceHenson2014

10-5-14

A/N

Annyeong!! Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at nakarating sa page na ito. Big hugs and kisses!! All the typo's are being reconstructed na po. Again, maraming salamat po!

Book 2?

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon