Chapter 30

1.7K 66 3
                                    

Chapter 30

Fast forward

Hindi ako binigo ni Jin. He’s finally courting me. Mag two-2 months to be exact.  He’s there when I needed him. He’s so perfect, but no, for me he’s right.

Nandito kaming dalawa ngayon sa canteen ng school. Oo nga pala, nang malaman nilang wala na kami ni Jake, at biglang si Jin na ang kasama ko, binansagan nila akong whore. Famewhore daw ako. Wow, okay. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin. They know nothing.

“Anong gusto mong kainin?” tanong sakin ni Jin. Nandito kami sa exclusive room ng seven. Wala kasi yung lima dito eh, nasa practice game ng volleyball. Yeah, you read it right. Volleyball. VOLLEYBALL. At first nagulat din ako. Nang sabihin kasi nilang magttry out sila sa isang sport sa school, wala yung volleyball sa naisip ko. Either basketball, soccer, table tennis or what.

Pero okay, hindi lang naman pambabae yung volleyball. I saw them played once. They’re good. Well, alisin na yung fact na kasi may kapangyarihan sila. I know they can still play well without it.

Okay back to Jin’s question. Teka bakit ba English na ako ng English? Ayoko na. Nagmumukha na akong matalino.

“Umm..” pagiisipan ko tong mabuti. Kasi ilang araw nang baked macaroni, apple juice at hush brown yung kinakain ko eh. Baka sabihin ni Jin nababaliw na ako.. Isip isip isip.. Ugh! Wala akong gustong kainin kundi yun pa rin. T__T

“Hey. Ano na?”

“Umm.. Umm.. B-bak-”

“Baked macaroni, hush brown and apple juice no ice? Got it.” Tapos bigla na siyang umalis.

Tignan mo tong lalaking to! Alam na pala niya eh!! Hmp!

Grabe ang dami niyang inorder para sa kaniya! Minsan nagtataka ako kung saan niya nilalagay yung mga kinakain niya. Kahit silang anim, pag magkakasabay kaming kumakain. Akala mo walang bukas kung kumain. Hindi naman sila tumataba. Hay, sad life. Bakit ganon sila. Unfair. Ganon ba kapag sa future galing? Wala bang fats mga tao dun?

“Jin, bat ayaw mong mag try out sa mga sports sa school? Ayaw mong maging varsity player?”

Umiling siya, patuloy lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Parang routine na talaga namin to in the past 2 months. Sabay pasok, sabay lunch, sabay uwi, text, call, skype. Alam mo yun? Mga bagay na minsan ko lang naranasan kay… kay.. Okay.

“Ayoko.” Ang tipid naman nitong sumagot! Ganon ba siya kagutom?!

“Bakit ayaw mo?” persistent talaga akong malaman. Malay niyo bakla siya. Hindi naman siya nakakabasa ng isip eh. Alam ko si.. Hay. I’ve been trying to forget him pero parang lahat ng bagay konektado sa kaniya.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon