Chapter 5

3.2K 105 13
                                    

Lumabas kami ng room ni Lyrica para kumain. Recess time na, ang favorite subject ko. How I wish it is a subject at may grade din. Whoever eats the most, will be given high grades. Sana lang talaga.

 “Ikaw talagang bruha ka! Napaka swerte mo. Akalain mo yun? Katabi mo pa yung dalawang papabol?” sabi ni Lyrica habang naglalakad kami papuntang canteen.

“Kasalanan ko bang ganito surname ko? Magpaampon ka kina mommy para magka apelyido na tayo..”

Tumigil siya saglit sa paglalakad. Tapos kinamot niya yung baba niya parang nagiisip..

“Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yan?” Binatukan ko siya. Kahit kelan talaga ang shunga nito.

“Aray! Masakit yun ah!”

 “Mas masasaktan ka pag di mo pa ko nilibre ng pagkain ngayon. Remember may promise ka kahapon.”

“Salbahe ka talaga! Mapanilnlang! Mapanlamang! Hayok! Mandurugas! Buwaya! Mandaraya!”

“Tara na! Dami mo pang sinasabi!” hinila ko na siya para mapabilis kami. 1 hour lang kaya recess namin.

Ang dami namang taong sa canteen. Ano ba yan parang magkaka stampede.

“Ano bang meron? May artista ba? Ang daming tao saka parang hindi naman sila bibili lahat. Parang may tinitignan lang.”

 Usually kasi hindi naman madami tao sa canteen kasi madami namang canteen sa school. Saka para talaga sa building namin tong canteen na to. Bakit may nakikiepal?

Hinila ako ni Lyrica para makiusyoso sa tinitignan ng mga tao most especially mga babae.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon