Chapter 34

1.6K 73 1
                                    

"JIMIN!! NASAN SI JAKE!???" halos liparin ko na ang hagdan makarating lang agad sa ibaba. Pag gising ko kasi wala na si Jake sa tabi ko. Kinabahan na naman ako. Paano kung iniwan na naman niya ako?

Nilapitan ako ni V. Pinaupo niya ako sa upuan, "Easy. Chill. Relax. Mag breakfast ka muna. Kami nagluto nito."

Pero tumayo ako at nagdabog sa lamesa na ikinagulat nilang lahat, "Tell me where the hell is Jake?! Can you just fucking tell me?!!"

Natulala silang lahat, si Jin lang yung nagtangkang lumapit sakin.

"Calm down, Pauline. May pinuntahan lang si Jake. May bibilhin lang daw siya."

Medyo napanatag ako pero hindi pa din totally.

"Bakit niyo siya hinayaan umalis magisa? Alam niyo naman yung lagay niya!" alam kong sobrang OA ko na pero hindi nila ako masisising huwag mag-alala kay Jake. I can't lose him for the last time!

"Oh pinabibigay ni Jake." biglang inabot sakin ni Uno yung envelope. Alam kong medyo nainis sila sa inasal ko kaya nagsorry agad ako. Kumain na sila at lumabas ako para basahin yung nasa loob ng envelop.

See me at 1 o'clock. St. Therese Garden,  Southern California. Bring the teddy bear.

Jake.

Ano bang balak niya? Bakit ba palaging mag-isa niyang ginagawa lahat ng bagay.

Wala akong ginawa kundi tumingin ng oras at maghintay na mag ala-una. Hay, kinakabahan talaga ako. Pumunta muna ako sa veranda para magpahangin. Malapit na ang summer dito sa America pero ang lamig pa din.

"Hindi ka pa kumakain. Eat this." biglang pumasok si Jin na may dalang tray ng sandwich at milk.

"Nag-abala ka pa. Hindi pa naman ako nagugutom."

"Huwag mo ng isipin si Jake. Malaki na yon. Alam na niya yung ginagawa niya."

Tinignan ko si Jin. Nakatingin siya sa malayo. Namiss ko din siyang kasama.

"Jin.. salamat sa lahat ng natulong mo sakin ah. Hindi ko alam kung nandito pa ako kung wala ka noong mga panahong down na down ako."

He chuckled, "I'm your prince charming. Never forget that. May ugly beast lang na sumingit kaya natalo ang prince charming."

Natawa naman ako sa sinabi niya, "So all this time, ugly beast ang tingin mo kay Jake? Haha, I can't believe you. I'm sure kapag nalaman niya to matatawa lang din yon."

"Higit pa doon yung naiisip ko. Pero tapos na yon. I just want you to be happy." I hugged him. Sobrang blessed ako na nakilala ko siya.

"Basta maging matatag ka lang. Para sa aming lahat, para kay Jake."

***

Sa wakas 1 o'clock na. Kanina pa akong 12 nandito. Hindi ko na kayang mag-stay sa bahay eh. Mababaliw lang ako doon kakaisip kay Jake.

Ang dami namang lovers na kano dito. Dito ba balak magdate ni Jake? Hahaha, minsan talaga ang korny nun.

Ang tagal niya ha. 1:30 na pero wala pa din. Hindi ko naman siya matawagan dahil naka off yung phone niya. Naglaro naman tuloy ako ng flappy bird habang yakap yakap ko yung teddy bear na bigay niya.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon