Chapter 14

2.2K 96 7
                                    

"Sorry talaga, kayo lang yung gumawa ng para sa documentation. Don't worry ako na lang gagawa ng written output, ibigay niyo na lang sakin yung mga details para magawa ko." 

"Okay bes, na kay Jin lahat eh. Kunin mo na lang sa kaniya. Oh nga pala, kamusta na yung paa mo? Nakakalakad ka na ba ng matino?" 

I nodded, "Medyo okay na ko. grabe ang bait nga nila Mon eh. Sila nag asikaso saken kanina habang wala kayo." 

*flashback*

"Ahh! Paa ko ang sakit!! Tulong!" tumayo ako para mag c.r. akala ko kasi kaya ko na eh. Pero nakakaisang hakbang palang ako natumba na ako, ang sakit pa rin talaga ng paa ko. T___T.

"Omg!! Gosh!!" narinig ko si V na binuksan yung pinto. Sunod sunod nang pumasok si Mon, Jimin, Hope at Uno. "Okay ka lang?" 

"Hindi.." 

"Hala hala! Huwag kang iiyak, ito oh lollipop. Please ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak!" binibigay sakin ni Jimin yung lollipop na sinisipsip niya kanina. Kadiri!

"Ano ka ba Jimin! Ang baboy mo." humarap sakin si Hope, "Gusto mo toys? Bibilhan kita. Anong toys gusto mo?" anong bang nangyayari sa mga to? -_- ginagawa akong bata -_-

"Hindi! Gustong pumasyal nyan ni Pauline. Gusto mo punta tayong park? Madaming play grounds dito." 

"Hoy mga retards umalis nga kayo dyan!!" sumigaw si Mon at lumapit sakin. Hinawakan niya yung paa ko. "Tsk tsk, nadapa ka ba kanina? Dapat hindi ka naglalakad masyado, baka lumala pa to lalo." tapos inalalayan niya kong tumayo papuntang c.r. Tss, buti pa to si Mon, may matinong pagiisip. 

Ewan ko ba, ang gugwapo nila pero yung mga utak may sayad. Pinaglutuan ako nila Jimin ng soup. Cutie, okay hindi na sila may sayad sa utak. Talagang makulit lang sila. Haha. 

"Thank you sa inyo ha." 

"Naku, wala yun. Basta ilibre mo kami okay na." sagot ni V. Binatukan siya ni Hope. Haha, ang kulit talaga nila. Unlike ni Jake saka ni Jin, masyadong tahimik. 

*end of flashback*

"Waah, swerte mo naman! Buti ka pa! Eh kami, nagtanim lang dun! Nakakapagod nga eh. Tapos si Natalie naka upo lang. Masama daw pakiramdam. Tss." 

Naalala ko na naman si Natalie. Siguro naglandian na naman sila. Grrr. "Asa ka pa dun, eh forever maarte yun." 

 

Kinabukasan, since tapos na yung documentation namin, nag happy happy na lang kami. Last day na rin namin dito kaya lulubusin na namin. 

"Uy diba may cooking lesson tayo ngayon?" tanong ko kina V. Sila naman tumingin sakin na parang walang natatandaan.

"Kelan namin sinabi yun? Baka nananaginip ka?" tss, sabi na nga ba wala akong balak seryosohin ng mga to. -___-

Kesa inisin ko yung umaga ko, lumabas na lang ako para magpahangin. Nagtext pala si mommy sakin. Medyo mahirap kasing makasagap ng signal dito. 

I miss you princess. Go home soon. 

Hay, forever sweet talaga si mommy. Sobrang swerte ko na siya ang naging mommy ko. Habang abala ako sa pagsscroll down ng mga messages ko, napansin ko si Jake na pinagkakaguluhan ng mga babae sa tindahan. Mukhang na trap na siya at hindi makalabas. 

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon