Chapter 17

2K 74 9
                                    

Our first week together became great. Sana forever nang ganito. Though busy kami pareho dahil sa school activities, we still find time to see each other. Oo nga pala, naghahanda na kami para sa Christmas presentation. Madalang na lang kami mag klase kasi nagppractice kami para sa mga performances namin. Kaya hindi kami gano nagkikita ni Jake kasi may dance practice sila ng seven. Akalain mo yun? Sumasayaw at kumakanta pala sila lahat? Excited na nga akong panoorin sila eh. Pinakitaan ako ng moves ni Jake kahapon pero konti lang yun kaya nabitin ako.

Pero isa lang masasabi ko, the bomb yung sayaw nila! Eh kami ni Lyrica? Ayun, sasayaw sana ako kasi yung lang naman ang talent ko. Kaya lang sabi n imam, madami na daw masyadong sasayaw kaya no choice. Kakanta ako. T___T. Huhu, may the odds be ever in my favor.  

Papunta ako sa practice nila ngayon. Wala lang, balak ko lang isurprise si Jake. May dala akong.. (oh, hindi ako nagluto no) Gatorade saka chicken joy. Hehe. Balak ko sana sabay na kaming mag lunch eh. Pagpasok ko sa room kung saan sila nagppractice..

O___O

Si jin kasi nakahubad!! Ang mata koooo.

“Sorry. Pasok ka na. Nakadamit na ako.”

“Sorry din ha. Bigla bigla kasi akong pumapasok .promise, likod mo lang yung nakita ko. Swear to God.”

“You saw this already right?”

Napanganga ako sa sinabi niya. Naalala ko bigla yung nagpunta ako sa condo niya. “A-ano.. ah.. eh.. h-hindi ko din sadya yung dati..”

Tumawa siya and he patted my head. “Just kidding. Pasok ka na, he’s inside.” Naramdaman ko na biglang lumungkot yung mukha ni Jin . Though nakangiti siya, pero I know deep inside he’s hurt. Sorry Jin.. Sorry. That’s all I can say for now.

Pumasok na ako tapos nakita ko si Jake na nakaupo at nagpapatugtog. Nakapikit siya. Tssk, pawis na pawis, hindi manlang nagpupunas.

Kinuha ko yung panyo ko tapos pinunasan ko yung pawis niya. Hay, hindi talaga to nagiingat sa sarili niya. Nakakainis!

Nakakailang punas pa lang ako nang bigla na lang niyang hawakan ng mahigpit yung wrist ko.

“A-aray ko.. ano ba Jake. Nasasaktan ako.”

Nakapikit pa rin siya at hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko. “Jake nasasaktan ako. Let me go, ano bang problema mo?”

Hindi siya nanlalambing eh. Feeling ko galit siya. Wala naman akong ginawang masama ah?!

“What did you see?” still, nakapikit pa din siya. Pilit na pilit yung galit niya.

“Anong what did I see? Hindi kita maintindihan. Umayos ka nga, kausapin mo ko ng maayos!”

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon