Chapter 2

3.4K 118 1
                                    

“Wow ma! Ang bango naman ng niluluto mo. Mapapadami na naman kain ko nito!”

Sabi ko habang nagaayos ng plates sa mesa.

“Syempre favorite mo tong kare kare eh. Oh teka, kamusta yung lecture niyo ng tutor mo ngayon?”

“Ah.. eh okay naman ma.” Matipid kong sagot. Ayaw ko talaga sa tutor ko. Masyado siyang nagmamarunong samantalang magkasing edad lang naman kami.

“Okay? Then why did your tutor text me that you did a stupid thing to her?”

OMG. It’s my dad. I always shiver every time I hear his voice kapag galit.

“D-dad..”

“What would be your reason this time, Pauline?”

“Richard, mag dinner muna tayo. Mamaya mo na kausapin ang anak mo.” Pagaawat ni mommy. Alam niya na kasi kung saan hahantong itong galit ni daddy.

“No, Charee. Kaya lumalaking suwail ang anak mo, dahil kinukunsinti mo lahat ng kalokohan niya sa buhay.”

“Dad! Huwag mong idamay si mommy dito!”

“Don’t you dare talk back to me! Pinalaki ka naming matino pero bakit ganito ang outcome? We gave you everything you want, Pauline!”

“Anong outcome daddy? Na bobo ako? Na kahihiyan ang grades ko sa mga tao? Sa mga kasosyo mo sa negosyo? Dahil ang mga anak nila matatalino? What can I do Dad? This is what I can! I did everything but this is all I can! You don’t know the shame of having a tutor at my same age! Pero hinayaan kita sa decision mo, hoping that it would change things! Dad, nasasakal na ako.”

Tumakbo ako sa labas habang umaagos yung luha sa mata ko. Shit, I don’t want to cry. I don’t even want to pity myself.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon