Chapter 3

2.8K 117 15
                                    

Kung anong ikina gwapo niya sa side view, triple ng kina gwapo niya ngayon. Para akong may kaharap na anghel.

Natutunaw ang katawan kooooooooooo.

ANG GWAPONG SERIAL KILLER NITOOOO.

“Huwag mo na kong titigan, kumain ka na.”

Ang lapad ng ngiti niya sakin.. Medyo napahiya ako dun ah..

Hoy Pauline, wag ka ngang magpahalata!

“H-hindi kita tinititigan. Inaalala ko lang yung mukha mo kung sakaling hindi mo na ako iuwi.”

Ha? Anong connect nung sinabi ko?

“Hahahaha. Iuuwi kita. Huwag kang magalala. Kumain ka na.”

Ngumiti siya sakin. Shit, shit. Ang guwapo talaga. Huwag kang ngingiti!!!!

“Ah.. oo. Salamat.”

Gutom na gutom na talaga ko. Kaya wala na kong pakielam. Kakainin ko lahat ng kaya kong kainin! Libre naman eh. Hahaha.

Kumain lang kami ng tahimik. Paminsan minsan tinitignan ko siya. Ang guwapo talaga. Ang lakas niya din kumain. Nakakatuwa. Tao ba to? Ngayong araw na to may nakasama akong dalawang lalaki na hindi mukhang tao.

“Uy, akin ba tong coke na to?” tanong ko sakanya.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon