Chapter 28

1.8K 74 4
                                    

“Bes!! Advanced Merry Christmas!”

“Grabe Lyrica, binulabog mo ang tulog ko para lang sabihin to? Di ka naman excited no? saka parang hindi tayo magkikita mamaya ah?” pano 7 am pa lang. ngayon na nga lang ako nagkaron ng matino tinong tulog eh. Lagi akong hindi makatulog sa gabi. Tapos sisirain pa nitong bruha na to. -_-

“Eh kahit na, I want to greet you agad. Okay, see you later bes. Gift ko ah? Mwah!”

UGHHH! LYRICA!!! Tumayo na ko sa kama, hindi na din ako makakatulog eh. Pag baba ko sa sala nakita ko si Jin nakaupo at may dalang flowers.

“OMG!” dali dali akong bumalik sa kwarto at naghilamos, nag toothbrush, at higit sa lahat nag bra. Walangyang Jin na to, wala manlang pasabi na darating siya. Hindi ako ready eh. Since when did you become conscious infront of Jin?

Bumaba na ako ulit, andun pa din siya. Kausap si Mommy. Buti nalang wala si Daddy, nasan na naman kaya yun?

“Oh anak, bakit ka naman biglang tumakbo pabalik ng kwarto mo? Kawawa naming itong gwapong batang to. Kanina ka pa hinihintay dito.”

“Ah, sige ma ako na pong bahala dito.”

“Okay, maghahanda lang ako ng breakfast niyo, okay?” tumango lang ako tapos umupo ako sa tabi ni Jin. Kinurot ko siya sa tagiliran.

“Ahh aray!! Anong ginawa ko?!”

“Ikaw! Bakit hindi ka manlang nagsasabi na pupunta ka pala? Saka ang aga aga pa!”

“Masama bang pumunta ng maaga? Gusto ko lang batiin ka agad ng Merry Christmas.”

“Tss, bakit niyo ba minamadali ang pasko?” inabot niya sakin yung flowers na dala niya. Ito pala yung kanina ko pa naaamoy. Ang bango.

“Oh, ngingiti na yan. You like it?” okay, he won. I smiled.

“Yes. Thank you, Jin.”

“Baka kasi hindi na ako makapunta dito mamayang gabi para batiin ka.”

“B-bakit?” aaminin ko, kinabahan ako. Baka kasi pati si Jin iwan ako. Siya na lang yung taong nasasandalan ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin lahat kay Lyrica.

“Don’t overthink, pupunta lang kami sa mga magulang namin. Pero saglit na saglit lang yung pwede naming ilagi dun.”

“Ah.. sa future..” oo nga pala may mga magulang pa sila doon. “Ikamusta mo nalang ako sa kanila ha?”

“Ofcourse. Im sure kapag nakilala ka nila, matutuwa sila sayo.”

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon