Chapter 32

1.6K 65 0
                                    

Narrator's Point of View

Alam ni Jake na nagtataka na si Pauline sa mga ikinikilos niya. Pero ginagawa niya ang lahat para hindi na ito maghinala pa. Kahit alam niyang delikado at hindi pwede, pinuntahan niya si Pauline. Gusto niyang makasama kahit sandali ang dalaga.

Araw araw niyang binabantayan si Pauline kahit saan man ito magpunta. Pero sa ngayon, hindi na niya kinaya ang pangungulila dito. Mahal na mahal niya ang dalaga at hindi niya kayang isugal ang buhay nito dahil lamang sa kaniya.

Naliligo si Pauline ngayon, at nagbibihis naman si Jake nang bigla siyang makaramdam ng matinding pagsakit ng ulo. Sinikap niyang kunin ang tubig sa lamesa gamit ang kapangyarihan niya ngunit hindi iyon gumana.

Nangyayari na..

Ang tanging nasa isip ni Jake. Nanginginig ang tuhod niya. Halos hindi siya makagalaw. Ginawa niya ang lahat para makaalis sa condo niya dahil ayaw niyang maabutan siya ni Pauline sa ganitong sitwasyon. Mas mabuti pang umalis muna siya. Ngunit pati ang pagteteleport niya ay hindi niya magawa.

Bigla na lang siyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

***

"Kelan pa siya nagpakita sayo?" tanong sakin ni Jimin.

"Kahapon lang.. nagpunta kasi ako sa condo niya. Nakatulog ako doon. Pag gising ko katabi ko na siya."

Napabuntong hininga si Uno, "Napaka tigas talaga ng ulo niya. Alam niyang delikado pero ginawa niya pa rin."

"Siguro ganun ka kamahal ng kapatid ko, Pauline. Kahit ikamatay niya, ayos lang basta makasama ka niya." naguumpisa na namang tumulo ang luha ko. Kasalanan ko pala kung bakit nagkaganito si Jake. Pero bakit nga ba siya nagkakaganito?

"Ano bang nangyayari sa kaniya? Please naman sabihin niyo sakin. Para naman maprotektahan ko siya kung may nangaapi man sa kaniya." 

Natawa ng mapait si Mon, "Sarili niya nga hindi niya maprotektahan eh. Kung may dapat magsabi sayo ng lahat, si Jake yun."

Tumingin ako sa kwarto kung saan nakahiga si Jake. Nandon si Jin at si V. Binabantayan nila si Jake. Nang makita ko siyang walang malay sa kwarto niya kanina, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa ospital dahil baka kung ano pang gawin nila don.

Tinawagan ko si Jin at ilang segundo lang ay nasa harap na namin siya. Dito kami nagpunta sa bahay nila.

Nilapitan ko si Jake. Hinawakan ko yung kamay niya at nakita ko ng malapitan yung mga sugat niya. Alam ko namang hindi to rashes eh. Alam kong nagsisinungaling siya. Nararamdaman ko din na may kinalaman to kung bakit siya nawala ng malay. Kailangan niyang gumising dahil kailangan niyang sabihin ang lahat sakin ngayon.

Nakatulog ako sa sofa, pag dilat ko ng mata ko, nakita kong nakaupo si Jake sa harap ko. Nakangiti siya sakin. Tumayo ako agad at nagpunas ng mata ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

"Ayos na ako."

"Jake-"

"Sumama ka sakin sa america. Doon ko ipapaliwanag sayo ang lahat." tumango lang ako. Hindi ako sigurado sa desisyon na to pero para na rin sa ikakapanatag ko, sasama ako. Gustong kong malaman lahat.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon