Chapter 19

1.7K 75 1
                                    

Almost one week ko ng iniiwasan si Jake. Sinubsob ko na lang yung sarili ko sa practice namin. Tumatawag at nagtetext pa din siya sakin. Araw araw din siyang pumupunta sa bahay pero wala siyang magagawa kung ayaw ko siyang kausapin. Pasalamat na lang ako, hindi niya ginagamit kung ano mang kakayahan meron siya para makausap ako. Kasi hindi pa talaga ako ready kausapin siya.

“Bes, grabe next week na yung Christmas party, excited na ako!” nandito kami ni Lyrica sa canteen. Buti nalang wala dito yung seven.

“Buti ka pa excited, ako kabadong kabado. Sana kasi sumayaw na lang tayo eh! Alam mo namang sintunado ako.”

“Ano ka ba, okay lang yan. May back up singers ka naman, hindi na mahahalata yan.” Bumuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Eh nakapag practice na kami eh.

“Bes, okay pa ba kayo ni Jake? Bakit parang hindi ko na kayo nakikitang magkasama?” patay, nahalata na niya. Sasabihin ko ba sa kaniya yung nangyari? Nagiguilty naman ako, wala kasi akong tinatagong sikreto kay Lyrica. Pero hindi muna sa ngayon. Feeling ko delikado kung malalaman pa niya.

“Ah.. oo naman. Busy lang kami pareho. Di ba may performance din sila sa Christmas party?”

“Oo nga no.  naku, excited na din ako mapanood sila. Si papa Jin! Sana maghubad sila no?” binatukan ko siya, kababaeng tao ang manyak.

“Baliw, hindi pwede yun dito sa school no.”  nagpaalam ako sandal kay Lyrica na bibili lang ako ng french fries sa labas. Ewan ko bigla akong nag crave sa french fries. Paglabas ko biglang may tumakip sa bibig ko at dinala ako sa gilid ng canteen. Waaaah, madilim dito! Sino na naman ba to? Bakit ba lagi akong lapitin ng disgrasya?!

“A-ano pong gagawin mo sakin. Please hindi ako mayaman wala akong pera..” I felt him kissed my hair at nakayakap siya sakin. OMYGOSH lapitin din talaga ako ng mga manyak. T__T

“God, I missed you, Pauline..” bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.. I missed his voice, too. His husky voice.. Parang suddenly nawala bigla yung galit ko at gusto ko siyang yakapin. Pero, no. hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Not anymore.

“Anong ginagawa mo? Let me go!” nilabanan ko yung feelings ko. Kailangan ko tong gawin para malaman ko yung totoo.

“Please.. sorry na.” he’s.. he’s seducing me! UGH! No, Pauline. Fight.. for your pride. Kapag pumayag ka agad dahil lang nilalambing ka niya, parang sinabi mo na din na wala kang isang salita!

“Wala kang mapapala sakin, Jake. Hangga’t hindi mo sinasabi lahat lahat sakin, wala kang mapapala.”

“Sorry, you gave no choice but to do this.” Then sa isang iglap, wala na kami sa school.

“Oh my God..” napaupo ako sa buhanginan. Bigla nalang na nasa isang beach na kami. Sino ba naman ang hindi matatakot? Nakatingin lang siya sakin. Naiyak na ako.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon