Prologue

8.4K 201 23
                                    

07-16-14

Black out ngayon.. walang phone.. walang internet.. tanging itong charged laptop lang ang kaibigan ko ngayon. So kung ano man ang maging takbo ng storya na ito ay purely imaginations from the dark. Enjoy and ciao!

For my cousin who’s head over heels in love with Jeon Jungkook.

Prologue

“Mama! Ang ganda ng beach na ‘to! Gusto ko dito nalang tayo forever.. Please mama please?”

Pangungulit ni Pauline sa nanay niya habang hila hila ang laylayan ng damit nito.

“Baby, you know we can’t. Paano ang school mo? Malayo ang school dito. We can’t live here.”

Sumalampak na nagmamaktol ang walong taong gulang na si Pauline sa buhangin. Maya maya pa’y umiyak siya ng malakas.

“Waaaah! Mommy doesn’t want to live here forever! How can I find my prince charming mommy if we didn’t live here?”

Nilapitan ni Charee ang anak at binuhat ito.

“Baby, how did you know you’ll find your prince charming here? Mommy found daddy in the city. Not here.”

Pinunasan niya ang luha ng anak ngunit patuloy pa rin ito sa pagiyak.  Saka niya ito ibinaba.

“No mommy, he’s here. My prince charming is here! And I’m going to find him!”

Biglang tumakbo si Pauline sa mga cottage ng beach. Agad siyang hinabol ng mommy niya ngunit mabilis na nakatakbo ang bata.

**

“Mommy.. daddy… uwaaah. Where are you? Come here and get me.. I’m really scared.” Ang lakas lakas ng iyak ni Pauline. Nasa halamanan na siya at malayo na sa beach. Hapon na at lumulubog na ang araw at hindi na niya alam ang daan pabalik sa beach.

“Prince charming! Lumabas ka na! Nung umiiyak si Cinderella, lumabas bigla ang prince charming niya! Why can’t you do the same!”

Patuloy lang sa pagiyak ang bata. Hindi niya alintana na may punong malaglag mula sa likod niya.

“Bata!!!!! Tumabi ka!”

Sigaw ng isang batang lalaki mula sa di kalayuan. Agad na napalingon si Pauline sa lalaki kaya’t hindi niya nakita ang punong babagsak sa kaniya. 

Huli na nang malaman niyang malapit na ang puno sa kaniya. Napapikit siya at napasigaw. Hinantay niyang mabagsakan na lamang siya ng napakabigat na puno.

Isa… dalawa.. tatlo..

Dumilat siya.

Pagkakita niya’y sa malayo bumagsak ang puno na kanina’y halos nasa mukha na niya. Tinignan niya ang batang lalaking nakita niya kanina. Naroon pa rin ito at nakatayo sa gilid niya.

Lumapit ito sa kaniya.. tinitigan siya nito sa mata..

“Ikaw ba ang prince charming ko?” tanong ng batang si Pauline.

“Hindi ako prinsipe. Pero sige na nga, para sayo.”

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon