Chapter 22

2K 81 7
                                    

“Oh my God bes, ready ka na ba sa performance natin mamaya?” obviously hindi pa, dahil ito ako ngayon, nagdadasal dahil nanginginig talaga ako sa kaba. Hindi pa ako ready na batuhin ng kung anu ano ng mga taong makakanood ng gagawin ko. T_T

“Hindi pa bes, feeling ko talaga kahihiyan tong gagawin ko. Buti na lang talaga, may party na pupuntahan sila mommy ngayon. Gusto pa naman nyang manood. No way, ayokong kahiyain na naman ako ni daddy no.” kung sayaw pa sana, medyo kampante pa ako. Pero ang pagkanta? OMG. As in OMG lang.

Maya maya tumunog yung phone ko, tumatawag si Jake. Whooo, kinakabahan din kaya siya? Buti nalang naisipan niyang tumawag, I need him now.

“J-jake..”

“I heard and I felt that you’re nervous right now.”  Pano niya yun nalaman?!!!

Ay. Oo nga pala, dahil sa sobrang kaba nakalimutan ko biglang may powers pala ang boyfriend ko.

“Ah.. kasi naman. Alam mo namang hindi ko hilig ang kumanta. Baka talaga magkamali ako. Huwag kang manonood ah. Nakakahiya.”

I heard him laughing, “Anong nakakatawa?”

“Wala, hindi ka magkakamali okay? Just trust yourself. I will be there, pero para hindi ka kabahan, hindi ako magpapakita.”

 

“O-okay.. Good idea.”

“Next performance na kami. Wish me luck, nasaan ang kiss ko?”

 

“Kiss ka dyan? Nasa kabilang dressing room kayo no. Malayo pa yun dito.”

“Ehem, ayan. Pwede ko na bang makuha?” pag talikod ko nasa likod ko na siya. Napatingin naman ako kung may tao ba sa room, buti na lang ako lang nandito. Napangiti ako sa kaniya.

“Ikaw talaga. Pano pag may nakakita sayong bigla na lang sumulpot kung saan saan?”

“Wala namang tao eh. Oh ano na, yung goodluck kiss ko?” tssk, nagpapacute pa tong boyfriend ko. Naka school uniform niya, pero hindi uniform ng school namin. Siguro costume nila to. Hinila ko yung neck tie niya para lumapit at ibaba niya yung ulo niya, tapos hinawakan ko yung mukha niya nung nakalapit na siya sakin.

“Galingan mo, dy ha? Papanoorin kita.” Then I kissed him. This time, ako lang nakahawak sa batok niya. Siya, wala pretty pretty lang. halatang nagulat din siya sa ginawa ko. Napangiti siya habang kinikiss ko siya eh.

“Yes, my. I love you.” Hinawakan niya yung pisngi ko. I can feel his sincerity.

“I love you so much more than most.” Hihirit pa sana siya ng isa pang kiss nang marinig namin na tinawag na yung group nila at naghiyawan na yung mga tao.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon