Chapter 24

1.6K 70 4
                                    

Pagkagising ko, nag ready na agad ako ng mga dadalhin mamayang gabi. Swim suits, check! Ipapakita k okay Jake kung sino yung iniignore niya. Kasi naman! Hanggang ngayon hindi pa din nagtetext. HINDI BA SIYA NAGAALALA SAKIN?!!! BWISIT.

Tinawagan ko siya, hindi ko na talaga matiis.

“Hello.” Sobrang husky pa yung boses niya halatang kagigising lang.

 

“Mamayang gabi-”

“I know. Can you let me sleep first?”

 

“What’s wrong with you?! Are you avoiding me? You’re ignoring me too much!!” sigaw ko pero biglang naputol yung linya. ANG KAPAL NG MUKHA BINABAAN PA KO!!

Grabe hindi pa nagiging ganito si Jake sakin simula nang maging kami. Never niya pang pinaramdam sakin na binabalewala niya ako. Humiga ako sa kama ko, sinubsob ko yung mukha ko sa unan at doon ako umiyak. Ayokong marinig ako ni mommy.

How could he? He’s sending me mix signals. Kahapon okay naman kami. Sobrang saya ko nga kahapon dahil sa mga nangyari. Tapos ngayon bigla na lang siyang nagging cold ng ganito? Sana nakakabasa din ako ng isip para nababasa ko kung anong nasa isip niya ngayon. Minsan napaka unfair ng buhay. Natatakot ako dahil baka isang araw paggising ko hindi na pala ako mahal ni Jake. That’s the worst nightmare ever.  Wag naman po Lord, hindi ko kakayanin.

Sinundo ako ni Mariah, nakipagkita din siya kay mommy at daddy. Close din kasi siya sa parents naming ni Lyrica. Yung sasakyan nila yung ginamit nagpahatid lang sa driver nila. Tatlo kaming nasa likod. Sa Batangas kami pupunta. Kanina, tinawagan ako ni Jake, pero si V yung nakausap ko, kesyo naliligo daw si Jake at pinatatanong kung saan daw yung beach na pupuntahan.  Susunod na lang daw sila dun.

Ganun? Natitiis niya talaga ako? Okay. Magaling din naman ako dun. Wala naman akong ginawang masama para maguilty ako at mauna akong mag approach sa kaniya. Pano kung ayaw niya na pala sayo? Yun lang… hindi ko kaya.

“Bessy, excited na akong mameet yung mga kaibigan mo at yung boyfriend mo. Im sure bagay na bagay kayo. Nako, papaalalahan ko na siya na huwag kang sasaktan kundi malalagot siya sakin.”

Ngumiti ako, ayokong ipahalata kay Mariah na hindi kami okay ni Jake, “Mabuti pa nga para matakot. Kaya lang natatakot ako baka bigla kang magustuhan.”

Hinampas niya ako. Grabe, siya pa rin talaga si Mariah. Hahaha, “Wag ka ngang ganyan. Maganda ka okay? Wag na wag kang mawawalan ng tiwala sa sarili mo.”

“Hep hep, Sali naman ako dyan. Kayo lang yung nagkakatuwaan eh. Namiss ko din si Mariah no!” singit ni Lyrica. Buong byahe kaming nagharutan. Hirap na hirap sigurong mag drive yung driver kasi ang alog ng sasakyan. Hahaha.

Nag check in kami sa canyon cove beach resort. Nagtext si V pero gamit pa din yung number ni Jake. Malapit na daw sila. Kumuha kami ng dalawang rooms. Yung sa seven medyo malaki since madami naman sila. Inayos na namin yung mga bagahe namin sa hotel room nang biglang tumunog yung phone ko.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon