Chapter 21

1.8K 74 8
                                    

“J-jin. Anong ginagawa mo dito? Nakita mo ba si Jake?”

Inilapit niya yung napakabigat na swing sa harap namin using his ability na kagaya kay Jake. Hindi naman na ako nagulat. “I know Jake already told you about this, about us. So I don’t bother to do it infront of you.”

Umupo siya sa swing, “Sorry if I had to use his name. I just want to be with you.”

“Jin, ano bang sinasabi mo?” tumayo siya tapos niyakap niya ako.. ng mahigpit. “I-I can’t breathe.”

“Ano bang meron kay Jake? Bakit siya pa din yung pinili mo?” umiiyak si Jin, naiinis ako. Ayokong makitang umiiyak siya, kahit papano, nagging mabuti siyang kaibigan sakin.

“Tama na Jin. Hindi ko sasagutin yang tanong mo.” Nasuntok niya yung monkey bar sa likod ko, sobrang yumupi yun, I forgot, may kakayahan din pala siya.

“Kaya kong gawin lahat para sayo. Lahat ng ginagawa niya para sayo, mas kaya kong gawin lahat ng yun!”

“Jin, iba si Jake. Magkaiba kayo. Gusto kita, pero hindi kagaya ng pagka gusto ko kay Jake. Ibang iba!”

Lalo lang niyang hinigpitan yung yakap niya sakin, gusto kong yakapin din siya pero ayokong bigyan siya ng pag-asa. Ayokong saktan siya lalo. Mahalaga sakin si Jin.

Tinignan niya ko sa mga mata, “Mahal kita, Pauline. Mahal na mahal kita. Please.. ako nalang.” Lumuhod siya sa harap ko. Napaiyak na din ako. Ayoko ng mga ganito. I hate choosing, kasi ayokong makasakit ng tao.

Umiiyak siya habang nakaluhod at nakatango, “Ako na lang, ako na lang yung mahalin mo. I beg you..”

At yung sumunod na sinabi niya ang nagpaiyak sakin lalo, “Kahit second option, kahit kabit lang.. papatusin ko na. maramdaman ko lang na sakin ka..”

Lumuhod ako sa harap niya tapos niyakap ko siya.. This is all I can do Jin. Im sorry, hindi ko kayang saktan si Jake. “Jin, maraming babae dyan, guwapo ka, mabait, matalino. I know na isang kindat mo lang, marami ng mahuhulog sayo. Don’t be dumb over me. Ako lang to, si Pauline. Nothing special. Pareho lang tayo, nagmahal lang din ako. Marami pang babae sa mundo, Jin. Makakahanap ka din.”

He smirked, “It’s easy for you to say. Pero hinanap din kita, Pauline. I’ve been searching for you, for ages. Tapos ngayon na nakita na kita, napunta ka lang sa kaibigan kong tumulong lang naman sakin para mahanap ka?”

Napabitaw ako sa sinabi niya, “What do you mean?”  

“I think it’s about time. Desperado na kung desperado. But I think, this will make you think twice.”

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon