Chapter 23

1.8K 75 0
                                    

After ng performance, puro papuri mula sa mga taong nakanood yung nakuha ko. Ang galing galing ko daw. Pero kay Jake nakatingin. Seriously, people?

“Dy, thank you ha. You’re such a savior.” Nagaayos na kami ng gamit. May party pa pero hindi na kami makikiparty, pagod na kami eh. Uuwi na lang siguro ako.

“No need to thank me. You did well. Inalalayan lang kita.”

“Sus, ikaw naman talaga ang nagdala eh. Kaya walang palag yung mga tao kasi ikaw yung kasama ko sa stage. Ang galing mong kumanta, ang galing mong sumayaw, tapos ang talino at guwapo mo pa. Tao ka ba talaga? Sure kang hindi ka robot or machine?”

Hinilamos niya yung kamay niya sa mukha ko. “Kung anu ano na naman pumapasok sa isip mo, babae. Ilang beses ko bang sasabihin na tao ako.” Lumapit siya sakin, 1 inch apart lang yung mukha namin, “Tao ako,” lapit ulit. “Tao ako,” lapit , “Tao ako,” lapit sabay kiss, “Tao ako. Get it?”

“O-oo.” Nauutal na naman ako. WAAAAH!! Kakainis ka talaga Jake!!

“Good, c’mon.”

“Saan tayo pupunta?”

Tumingin siya sakin, yung nakakatunaw na tingin, “Sa langit.” Then he smiled. UGHHH MY NERVES!!

At ayun nga nagpunta kami sa langit. Joke lang syempre, pauso to si Jake eh. Dinala niya ako sa isang romantic restaurant. Yung may nagviviolin sa harap niyo habang kumakain kayo habang nagpopropose yung boyfriend mo…

Pero syempre joke lang din. Tss, nagiimagine lang ako pano, dinala ako nitong lalaki na ‘to sa bilyaran. Ugh, ang usok usok dito. Puro naninigarilyo yung mga tao. Kakainis!!

Si Jake, ayun nakikipaglaro sa mga kaibigan niya. Si Uno at Jin lang yung wala dito. Nasa school pa yata sila, sila yata yung ginawang pain ng mga to para makaalis sila sa mga fans nila sa school. Iniwan si Jin at Uno para mapunta sa kanila yung atensyon ng mga tao. What a nice friends.

Naiinis ako kasi simula nang makarating at makapaglaro si Jake, hindi niya na ako kilala. Ni hindi manlang ako tinitignan kung buhay pa ba ako o nahagisan na ako ng bola. Nakaupo lang ako sa gilid at nakatakip ng ilong. Di ko na talaga kaya yung usok!!!

Nakita kong inabutan nila ng sigarilyo si Jake. Sure naman akong di niya kukunin dahil napagusapan namin ang tungkol dyan sa bisyo niya kaya lang… BWISIT NA LALAKI TO KINUHA AT SININDIHAN NA!!!

Lumapit na ako sa kaniya at kinuha sa bibig niya yung sigarilyo. “Sana kung ganito lang gagawin mo sakin dito, sana pinauwi mo na lang ako.”

Lumakad na ako palabas ng bilyaran. Bakit ba gusto nila dito? Mukhang squatter yung lugar ang dami pang tambay nakakatakot. Sumilip ako sa likod ko tinignan ko kung sinundan ba ako ni Jake. Wow ha, tiniis talaga ako para lang makapaglaro. Sige lang. Diyan ka masaya eh.

My boyfriend from the FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon