Chapter 16

28.3K 810 54
                                    

Date uploaded 8-28-14

AN.. sobrang ikli lang nito. Ang unang balak ko ay idugtong sa Chapter 15.. kaso... maganda na ung ending ng c15.. kapag dadagdagan ko naman ito... parang hindi na tutulay sa next na mangyayari.. oh well... post na nga lang! 

anyways... again, again again... panawagan po ng mga admins ng fb groups ko, namely 'walang magawa book compilation' and 'falcon university group.' naghahanap po sila ng male OP para sa mga male characters. paki pm nyo na lang si red amanar, alex fajardo at tanya fajardo... maraming salamat po.. :)

Pasensya na kayo sa chapter na to. sobrang ikli lang.. bukas na lang ulit kung magkaka-oras ako magsulat. 

Chapter  16

Kyle

Kasama ko si Air na pabalik sa tent ni Ate Ja. Mamaya na ulit ang sequence ni Air kaya sinamahan na nya ako. Tahimik kaming naglalakad at ever since nung natapos yung sequence na kinuhanan ay hindi na ako makapagsalita. Para kasing hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. It’s as if it was a dream! O baka nga talagang nananaghinip ako? Or totoo bang nangyari yon? Or naghahalucinate ako? AY SHOCKS! Hindi ko na naintindihan! Nawindang ang mundo ko! 

OH MY GOSH HE KISSED ME! or did he really kissed me? O naimagine ko lang yon?! ARRRRGGGG! Naloloka ako! I shook my head to clear my mind. 

"Kyle are you alright." 

Tumango lang ako. 

"No, I think you're not." 

Kinuha nya ang kamay ko at hinila nya ako kung saan. Nakarating kami sa isang batisan, at iniupo nya ako sa malaking bato. Napangiti ako, dahil sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita in real life ng batisan. Puro sa pictures at tv lang ako nakakakita ng ganitong lugar. Noong bata kasi ako ay kung hindi nasa bahay ay sa ospital ako nakakulong. Never kaming nag-outing sa tanang buhay ko. Tinanggal ko ang sapatos ko at nagtampisaw sa tubig na dumadaloy. 

Tumabi sa akin si Air. 

"Galit ka ba?" 

"Sa tingin mo galit ako?" 

"I really don't know. Hindi ka kumikibo kanina pa. Pero hindi ka naman nakasimangot. Hindi kita mabasa, parang blangko ang mukha mo." 

Ano nga ba ang nararamdaman ko? Ang hirap sabihin. But what I'm feeling right now is defintely not angry. Hindi ako galit sa kanya o kanino man. Hindi rin ako galit kay direk. 

"Naguguluhan lang ako, pero hindi ako galit."

Nakahinga sya ng maluwag. 

"Do you want me to say sorry?" 

"Do you?" 

Tinitigan nya ako. 

"Kung ako ang tatanungin, mo, I’m only sorry dahil hindi ko napaghandaan yon. I’m sorry dahil masyado akong nadala sa eksena. But being sorry for what I did, well, I don’t know. It just felt right, that I didn’t regret doing it."

OOoookkk..

Tinignan ko ang mga paa ko na nagtatampisaw. Yeah he’s right.. It really felt right.

“Did you know that that was my first kiss?”

Matagal syang hindi nagsalita.

“I know. “

Loss of words is an understatement. Siguro pareho naming hindi alam kung anong sasabihin sa isa’t isa, parang tama lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. It is much more comforting. Palubog na ang araw at unti-unti ng lumilitaw ang mga bituin.

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon