Chapter 17

29.2K 706 25
                                    

Date uploaded : 8-30-14

Chapter 17

Kyle

I need to get up, pero inaantok pa din ako. Ang bigat bigat ng katawan ko at ano na naman itong masakit sa leeg ko? Kinapa-kapa ko kung anong sumasakit.

Aray!

Hayaan ko na nga lang. masakit kapag kinakapa ko. Pinilit kong bumangon, kailangan ko lang sigurong mag-breakfast para bumalik ang energy ko. Inayos ko ng konti ang sarili ko. I put on some face powder, blush and gloss, para pagharap ko sa magulang ko ay hindi sila maparanoid, lately kasi parang ang pale ng mukha ko, and knowing my mom, she will fuss over nothing na para bang palagi na lang nagugunaw ang mundo.

It's been a month din since natapos yung shooting ng movie nila Air. Mga twice na lang din ako bumalik sa set. Hindi ko kasi carry ang shooting. Hindi lang on the go ang mga tao, sagana pa sa puyatan. Pero si Ate Ja, talagang nagenjoy! And I really have to commend her, nag-shine sya sa mga scenes nya. Actually, daig pa nga nya si Ally sa acting skills, at ang tindi rin ni Ate Ja sa pag-me-memorize ng lines. May isang eksena na binago ang lahat ng linya nila. Si Ally, panic mode, pero sya, wala pang 5 minutes, kabisado na nyang lahat at emote mode na sya! Kahit nga si direk napahanga nya at kinausap na sya na i-ca-cast na sya sa susunod nyang project. Pero yung taong pinaiimpresan nya, wala lang, deadma lang. Kilig na kilig sya sa partner nya na si Daniel. Kuntodo pacute ang ginagawa nya! Pareho sila ni Gaygie! Halos mag-away na nga yung dalawa. Pero.. Ayon.. Wala lang ang effort nila. DEADMA!. Suplado sa personal. As in suuuuupppeeerrr. Baguhan lang din sya katulad ni Ate Ja pero magaling din. At mukhang mayaman. Very well mannered kahit suplado at tahimik. At ang van! Bongga! Kapresyo na ata ng isang house and lot! ! Sa lahat ng mga babae ako lang ata ang kinakausap, dahil lang din may tinatanong about sa story... Inggit much si Ate Ja kapag kakwentuhan ko si Daniel, kung pwede lang sya akong ipalapa sa piranha, sigro ngayon lasag lasag na ako! Hahahha!

Nasa province ngayon si Air promotinig the movie with the rest of the cast,at syempre, kasama din si Ate Ja na panay ang sumbong dahil si Ally, kung makadikit daw kay air ay daig pa ang tuko. Ayan tuloy, binansagan tuloy sya nila ate ja at gaygie na babaeng tuko! Hahahaha! Pero kahit na nagsusumbong sa akin si gaygie at si ate je, I don't know, wala akong nararamdamang selos. Kung minsan nga nagagwa ko pang asarin si Air kapag nagkakausap kami. Alam ko kasi na ako ang mahal nya.. Hahahah! Assuming ba?! Pero seriously, I know that I'm the ine he loves and I've already made up my mind na sasagutin ko na sya sa premier night.. NYIIIIII! Ngayon pa lang excited na ako! Hahahahah! At napag-usapan na rin namin na doon ko na rin ire-reveal si ang tunay na Breathe sa madlang people. And that will be a week from now. Sasama din sila mommy at daddy at uuwi ng Pilipinas si Lola Madam na nakauwi na ng America a week after noong unang sumama kami sa shooting. Nakakatuwa lang at all out ang suporta ng pamilya namin! Woooo grabe lang! Ngayon pa lang kinakabahan na ako!

"Good morning mom, dad." Nag-b-breakfast na sila at mukhang paalis na sila papuntang ospital.

"Oo nga pala anak, biglaan lang, pero kailngan naming lumipad ng Los Angles mamayang hapon, may break through na doon sa nire-research namin, kaya kailangan naming pumunta doon for testing." Sabi ni daddy.

"Ang sabi ko nga sa daddy mo na sya na lang, dahil noong last time na iniwan ka namin dito ay nagkaaberya pa!"

"Ma! Naman e... Hindi ko naman sinasadya yon."

Natawa si daddy.

" hayaan mo na ang mommy mo, ganyan talaga yan. "

"E Ma, hanggang kelan kayo don."

"5 days kailangang tapos na yon, but we can assure you that we will definitely be here at the premier night. I wouldn't miss that for the world! Sayang naman yung mga pinatahi kong damit!" More like gown kaya ang pinatahi nya. Bonggatious! Haist.. Mas excited pa nga sya kesa sa kin. Well ok lang yon, mabuti nga at suportado na nila ako ngayon.

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon