Chapter 18

28.3K 782 38
                                    

Date uploaded : September 1

HAPPY NEW YEAR! HAHAHAHAHA!

saka ko na i-e-edit ito.. tinatamad na ako... 

Chapter 18

Kyle

Kinakabahan ako. paano kung magbago ang isip ni Mrs. Sandoval? I'm adding my finishing touches to my make-up. Tonight is the premier night of Air's movie. Kahit na masama ang pakiramdam at halos gumapang ako ay kuntodo ayos na ako and ready to go. Uminom na lang ako ng mga energy drink para lumakas-lakas ang katawan ko. 

Si mommy at si daddy ay didiretso na sa movie house from the airport at kasama na rin nila si Lola Madam. Sila ate Ja naman ay kasama si Tito Railey at nagpa-parlor pa. Syempre, big night nya to. Si Air naman ay manggagaling pa sa Davao kung saan ay nagkaroon pa sila ng mini concert. Masyadong Bz-bzhan ang mga tao!

Napapayag ko ang tiyahin ni Air na umattend ng Premier night na  kahit noong una ay ayaw na ayaw nyang pumuta o kahit magpakita kay Air. Hindi naman nya sinabi kung bakit. Ang sabi lang nya ay napakalaki ng galit ni Air sa kanya mas lalo na sa asawa nito. Noong tinatanong ko kung bakit ay itinikom na lang nya ang kanyang bibig at gusto na nga akong palayasin sa bahay nila.

Nakatira sila sa isang squatters area sa Quezon City. May anak siyang inaalagaan na halos kasing tanda ko lang at may malubhang sakit at nakaratay lang sa kama. Wala doon ang asawa nya at nag-t-tricicle lang daw. Ang isang anak naman nya ay pumasok sa pinag-ta-trabahuhang pabrika. Malaki ba ang tampo ni Air sa mga kamag-anak nya kung bakit hindi man lang nya natulungan ang mga ito, kahit yung pinsan man lang nyang may-sakit?

Nakumbinsi ko din si Mrs. Sandoval na makipag-ayos kay Air. Mabait si Air at alam ko na kahit na ano pa ang naging hidwaan nilang magkamag-anak ay tiyak kong patatawarin nya ito. Alam kong hindi ako dapat nakikialam sa kanila pero hindi makaya ng kunsensya ko na ipagwalang bahala na lang ang mga ito.

Susunduin ko si Mrs. Sandoval at doon muna kami tutuloy sa bahay ni Air. Mahirap na kapag doon pa sa premier night sila mag-d-drama. Mas maganda na maayos na silang mag-tyahin na pupunta sa premier. Sinabihan ko si Gaygie tungkol sa mga plano ko at hesitant din sya noong una, dahil nga alam din nya na hindi maganda ang relasyon ni Air sa mga kamag-anak nya at hindi rin alam ni Gaygie kung bakit at kapag bino-brought up nya ang subject ay pinagagalitan na lang sya nito. At dahil matindi din ang malasakit ni Gaygie sa bossing nya at gusto na rin nyang maayos ang relasyon ng magkamag-anak ay itinawag na nya sa mga kasambahay ni Air ang pagpunta namin doon. Sabi naman ni Gaygie ay uuwi daw muna sila bago pumunta sa Premier.

At ngayon todo naman ang kaba ko. Sana lang ay maging maayos ang lahat. For I have soo many plans for tonight, and I want it to be a very memorable one.

"O Iha, aalis ka na ba? bakit parang matamlay ka?" Lumapit sa akin si Nanay flor at kinapa ang noo ko. " AY NAKO BATA KA! E NILALAGNAT KA A!" 

Pinilit kong ngumiti. 

"Hindi po! malamig lang siguro ang kamay nyo, mabasa-basa pa nga kaya akala nyo mainit ako. Sige po.. ma-le-late na ako. Alis na po ako." 

Bago pa makapag-react si Nanay flor ay nakalabas na ako ng bahay at pasakay na ng van. 

"Ay nako! Kyle! Baka kung mapano ka! "  Habol-habol ako ni Nanay Flor, pero isinara ko na yung van. 

"Manong, alis na tayo bilis. "

"Eeee." 

"Sige na po, please... "

Wala ding nagawa si manong kundi sundin ako. 

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon