Chapter 3 Part 1

36.8K 971 45
                                    


Date uploaded july 8, 2014

An

Maikli lang ito. Saka na ako babawi dito. Sinulat ko na lang ito para wag mawala sa isip ko. Wa ulit edit ito.

Hello ulit sa mga readers ko.. Good news out na sa NBS ang first published book ko. Yung I LOVE YOU KUYA book 1 and 2 pa lang... Wait wait lang sa book 3.

Please grab a copy! Ang bumili ng book may kiss kay Air! Hahahaha!

Chapter 3 part 1

Air

Nag-uuulan na nung nagbyahe kami papuntang San Sebastian. I have checked the weather at bukas pa padating ang bagyo pero ang hindi ko inasahan ay ang napakalakas na ng hangin at ulan na dala ng bagyo na halos wala nang makita sa daan, napadagdag pa na madilim ang kapaligiran. Walang ilaw ang mga street lights, dahil siguro nagkatumbahan ang ibang mga poste ng kuryente.

"Bossing, e kung bumalik na lang kaya tayo? halos patumbahin na ng malakas na hangin itong van!" sabi ni Gaygie na natatakot na sa sitwasyon namin.

"Mas mahihirapan tayo kung bumalik pa tayo, siguradong mas lalakas pa ang hangin. Sandali na lang naman at nasa San Sebastian na tayo. Malapit na ang tulay."

"Oo nga naman bossing, sabi ko nga."

May dahilan talagang matakot si Gaygie dahil halos zero visibility na ang daan at ang hangin ay sumisipol nang malakas na parang nasa horror movie. Ang dami na din naming nadaanan na nagtumbahang puno.

Dahan-dahan naming tinahak ang daang papunta sa San Sebastian at halos mapatalon sa tuwa si Gaygie nang makita na namin ang tulay. Kapag nakalampas kami dito ay sandaling sandali na lang ay nasa rest house na kami.

"haaay salamat bossing at ma-- AAAAAHHH! "

May malakas na alon na humampas sa sasakyan na halos matumba ito!

"WAAAAAAAAAAA!!!! Ayoko pang mamatay! Bata pa ako... VIRGIN PA AKO! WAAAAAAA!"

"Manahimik ka nya dyan at hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho!" Sigaw ni Robert na halatang kinabahan din.

"Bilisan mo Robert!" Hindi ko man masyadong makita ang mga nangyayari sa labas, pero may kutob akong delikado ang lagay namin na kung hindi kami makaalis sa gitna ng tulay na hinahampas ng malalaking alon, siguradong may mapaglalagyan kami.

May isang malaking troso na tumama sa gilid ng tulay na nag dulot ng malaking crack dito.

"Aaaaaa!!!! Bossing! Bossing!!! Ayoko pang mamatay!!! Waaa!!!"

"Robert! Bilisan mo. Kailangang makatawid tayo!"

Pinilit bilisan ni Robert ang sasakyan kahit na lampas-tuhod na ang lalim ng tubig, dagdag pa ang malakas na current nito na halos matangay na ang van.

"C'mon, c'mon!!!"

"Diyos ko po!! Magpapakabait na po ako! Hindi ko na po aawayin ang mga stalker ni bossing! Hindi ko na po ako magtataray. Magpapaka-santo na po ako!!! Hindi ko na po duduraan yung mga juice ng mga malditang girlfriend ni bossing..."

"Ano?!!..."

"Sa mga maldita lang yon, hindi naman sa lahat."

Napailing na lang ako. Si Gaygie talaga!

Malapit na kami sa dulo ng tulay ng tuluyan ng mag-crack ang gitna nito, dahil naitulak ng malakas na alon ang troso..."

"AaaaaaaHHHHHHHH! Naku po!!! Waaaaaa!!!!! " sigaw ni Gaygie.

Napapigil hininga ako, wishing and praying for the best..

Konting-konti na lang.....

Nang makalampas kami ng tulay ay naka-akyat na ang van sa ligtas na lugar, tuluyan nang nasira ang tulay. Hindi man namin makita ang total damage nito at dinig na dinig namin ang rumaragasang alon na tangay tangay ang mga bahagi ng tulay.

Inihinto ni Robert ang sasakyan at napahinga nang malalim.

"Good job man!" Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi lang yung tulay ang natangay, baka pati kami! "Sigurado na ang raise mo."

"Huh. Ako din bossing." Sabi ni Gaygie.

"Baka nga bawasan pa kita ng sweldo. Kung hindi pa muntik na tayong mamatay ay hindi ko pa malalaman ang kalokohan mo."

"Boss naman...."

"Umayos ka."

"Opo, opo. Promise. Hindi ko na duduraan yung drinks nila, lalasunin ko na lang."

"Naku! Ikaw talaga! Kalokohan mo talaga," natawa na din ako. Hindi ko din naman sya masisi. Yung ibang naging girlfriend ko ay sobra din namang matapobre at ang tingin sa kanya ay parang alila.

Kahit kailan ay hindi ko tinuring ang mga katulong, driver at kung sino pang naninilbihan sa akin, na mas mababa kaysa sa akin. Nagdaan din ako sa hirap at alam ko ang kalagayan nila.

"Ok ka na, Robert? Pwede na ba tayong tumuloy?"

"Pwede na, sir. Para makapagpahinga na din. At mukhang palakas nang palakas itong bagyong ito. Mas safe tayo sa rest house."

Pinaandar na muli ni Robert yung sasakyan.

"Gaygie, pahingi naman ng isang tubig dyan sa cooler." Sabi ni Robert.

"Ano ako alila mo?!"

"Gaygie..iniligtas tayo ni Robert. The least you can do is give him water."

"Sabi ko nga."

"Sige na, kumuha ka na dyan sa likod."

Pinaandar na ni Ronert ang sasakyan.

"Sana naman ay walang natumbang puno---"

"Aaaaaaaa!!!! BOSSING!!!! BosssinngG!!!!!"

Biglang prumeno si Robert sa gulat nya sa pagkakatili ni Gaygie.

"Ano na naman, Gaygie?!"

"May ano... May ano...."

Namumutla si Gaygie at tinuturo ang likuran ng van.

"Ano na naman ba ang problema! Gusto ko nang makauwi.. Nag-da-drama ka na naman dyan."

"May ano sa likod bossss... May ano..."

"Nauubos na ang pasensya ko sa yo e. ANO BA ANG PINAGSASASABI MO!

"May ano boss.. May DIWATA!!!"

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon