Chapter 19 part 1

28.3K 855 47
                                    

Date uploaded: sept 1

Later na ulit ang edit.. Wala pang second glance ito.

Chapter 19 part 1

Air

As I look into Kyle's frail body, I can't help but blame myself. Bakit wala man lang akong napansin na may nararamdaman pala sya. Noong nakita ko sya sa bahay ko, I was so surprised at the same time happy to see her there. Because it was the first time she came to me. Pero iyon pala, may dinala lang syang isang tao na akala ko ay hindi ko na makikita sa buong buhay ko. At ang masakit, ay ang pinakamamahal ko pa ang magpapaalala sa nakaraan kong pinilit kong kalimutan. Kahit ano palang limot ang gawin ko ay hindi pala ako makakatakas sa nakaraan. As much as I wanted to burry my past, I realize that it will hunt me forever! At bakit si Kyle pa ang nakaalam? Why does she have to dig out the past that is better left alone. Lahat tuloy ng galit ko ay naibunton ko sa kanya.

Sobrang natakot ako ng magsisisigaw si Gaygie at nakita ko si Kyle na walang malay at may dugo ang mukha nya! Ang akala ko ay naaksidente sya, pero naikwento ni Gaygie na bigla na lang nagdugo ang ilong nya at halos mapuno na ang panyo ni Kyle ay hindi pa din ito tumitigil! Tapos natumba na lang sya t nawalan ng malay.

I drove like a madman to get her to the nearest hospital. Hindi pa din nagkakamalay si Kyle pagdating doon. Tinawagan ko si Jazzy para ipaalam kung anong nangyari at pagkadating na pagkadating ng magulang ni Kyle ay inilipat sya kaagad sa mas magandang ospital at idiniretso kaagad sa ICU.

Hindi ko na alam kung anong nangyari. Bakit parang sa tingin ko ay malala na kaagad ang kalagayan ni Kyle. Pero parang kanina lang ay nakatayo sya sa salas ng bahay ko. Ngayon ay nandito na sya at walang malay sa ICU! Walang nagsasabi sa akin kung anong sakit ni Kyle. Maraming Inaasikaso ang magulang ni Kyle at hindi mo makausap. Panay ang tawag nila sa ibang bansa at pinapapunta sa Pilipinas ang kasamahan nilang doktor doon. May mga sinasabi pa silang experimentral drug? Matagal na ba syang may sakit? Bakit hindi ko man lang nalaman ito? I could have handled her more carefully. Doon ko pinagsisihan ang pagsigaw ko sa kanya. Hindi kaya na-stress sya at may nag-trigger ng sakit nya. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Then I remembered the the time when I first met her. Ang dami nyang dalang gamot. Tinukso ko pa nga syang adik. Then it clicked! Bakit hindi ako naging sensitive! Matagal na syang may sakit!

Anong sakit nya?! Delikado ba sya?! Pero wala man lang akong makuhang impormasyon, tikom ang bibig ng lahat ng doktor na labas pasok sa kwarto nya. Kahit ako ay hindi makapasok, nakasilip lang ako sa bintana ng kwarto nya. Ayokong istorbohin ang ang magulang ni Kyle at nakikita kong nag-aalala sila.

"Air." May humawak sa braso ko. "Magkape ka muna."

Inaabutan ako ni Lola Madam ng kape na galing sa Vendo machine. I'm not in the mood to drink coffee right now, but that'll be rude, especially right now that she's being nice. Hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang lakas nya. Kalmado pa din ang mukha nya, bagamat may pag-aalala ang mga mata nya.

She smiled at me as if she's trying to encourage me. Inabot ko ang kapeng inaalok nya.

"Samahan mo akong maglakad-lakad."

"Pero lola.. Paano si Kyle. Kailangan nya tayo dito."

"Ang mga magulang ni Kyle ay kabilang sa pinakamagagaling na doktor dito sa Pilipinas. May darating pang doktor na galing sa ibang bansa. Alam nila ang ginagawa nila. Tayo na walang alam sa medisina ay pampagulo lang dito. Ipagpaubaya na muna natin ang kalagayan ni Kyle sa kanila."

"Pero..."

"Halika na at ilibre mo ako ng piattos sa canteen. Tapos daan tayo sa may garden at gusto kong magpahangin."

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon