chapter 14 part 1

28K 805 44
                                    

Date uploaded: 8-22-14

AN

Maikli lang to.. tinatamad ako e... 

Chapter 14 part 1

Kyle

They judged me too easily. Hindi na nila inalam ang totoong nangyari. All my life sinubukan kong maging isang mabuting anak. Sa isang pagkakamali na hindi ko naman sinasadya, parang pinamumukha naman nila na napakalaki ng kasalanan na nagawa ko. Granted, I haven't been truthful in everything, but don't I get to have a second chance? Hindi man lang nila ako inupuan para malaman ang side ko? Hindi lang ako nakapagsalita kaagad noong una nila akong tinanong dahil sa sobrang pagka-shock, inassume na nila na tama lahat ng iniisip nila.

I fell into a deep depression. Hindi ko alam kung mas kanino ako mas ma-di-dissapoint. Sa sarili ko, o sa magulang ko. Sa sobrang sama ng loob ko, hinayaan ko silang paniwalaan na lang ang gusto nilang paniwalaan. They judged me na rin naman e. They've made up their minds that I disgraced their good name. Mas lalo pang nakadagdag sa depression ko ay ang i-confiscate nila lahat ng gadgets ko, not just my cellphone and my IPAD, pati na rin ang pc at laptop ko. Pwede naman sana nilang tanggalin na lang ang internet connection para hindi ako makapag communicate sa outside world. Pero kinuha nila lahat!

Hawak hawak ko ang tabloid na dala ni mommy and I looked at the pictures again. Kuha ang mga ito sa isang cellphone at malamang na nasa katabing side namin ito ng bus nakaupo. Bakit hindi namin napansin na may kumukuha pala sa amin ng pictures. At first, hindi ko talaga makikilala si Air, dahil naka bullcap ito, pero ako, kitang kita talaga ang mukha ko. Haist! Napahiga ako. It's been 3 days since pumutok ang timebomb and I was cut off from the outside world. Wala akong kabali-balita maliban sa mga butiki na naghahabulan sa kisame.

Kamusta na kaya si ate Ja? Pinagalitan din kaya sya ni Tito Railey? Sana lang hindi sya i-ground ng daddy nya. Magsisimula na ang shooting, i don't want her to miss the opportunity of her lifetime. Sobrang sayanag naman kung hindi sya matutuloy. Pinagbutihan ko pa man din ang paggawa ng character na talagang ibinagay ko sa personality nya. At alam na alam ko na mabibigyan nya ito ng justice.

Kamusta na kaya si Air? O gosh, I miss him. Kung kelan naman naging open na ako sa nararamdaman ko at gusto ko syang makilala ng lubusan ay ngayon pa nangyari ito.

I hope that he's doing fine.

Kinuha ko sa ilalim ng unan ko ang notebook na pinagsusulatan ko ng story. Sa lahat ng ayaw ko ay ang nagsusulat, dahil hindi ko maatim ang penmanship ko. But I have no choice right now. Back to the premitive age ang buhay ko ngayon. And since grounded ako indefinitely, I took this opportunity to write down the things that running thru my head. Wala din naman akong ibang gagawin. Hindi naman ako mahilig manood ng TV, kaya nagkulong na lang talaga ako sa sarili kong mundo, where I can freely do what I want to do. Kung saan na kahit na lumipad ako at maging malaya ay pwede. Kung saan ay pupwede kong makasama si Air.

I took my time writing a story where Air is my inspiration.

Habang nagsusulat ako ay ibinunuhos ko lahat ng damdamin ko. From my high points, the feelings that I have when Air and I were together, to my lowest point, and that is what I am feeling right now.

Hindi ko namamalayan ang oras dahil masyado akong na-engross sa sinusulat ko. Nalaman ko na lang na gabi na pala noong bumukas ang pinto at pumasok si Nanay Flor dala ang isang tray ng pagkain.

Dinner na pala? Hala! Tumingin ako sa tray na nakapatong sa side table. Yung lunch ko hindi ko pa nagagalaw!

"Naku iha, bakit naman hindi mo pa rin nakakain itong tanghalian mo?"

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon