Chapter 6

37.1K 927 44
                                    

Date uploaded : 8-5-14

AN.

Originally hindi ganito ang takbo ng story na to.. pero ewan ko ba at naging ganito?! tignan na lang natin kung anong mangyayari... hehehehe... bahala na!

Chapter 6

Kyle

"Alam mo, walang mangyayari kahit magpaikot-ikot ka dyan sa upuan mo. You're such a worry wart. Why don't you just relax for now and deal with it later."

Nakasakay na kami sa bus and we're homeward bound. Mga tatlong oras na kaming nag-b-byahe at hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakali at kinakabahan ako kung ano ang madadatnan ko sa bahay. Medyo may mga traffic pa kaming nadaanan dahil sa mga clearing operations ng daanan. So ibig sabihin na mas made-delay pa ang byahe namn.

"Baka pwede tayong maki-charge sa driver. Baka naman may mobile charger sya.."

"Kyle..."

"Or baka naman pwede akong makitawag na lang sa kanila... "

"Kyle!"

"Ano!"

"You're paranoid." Nakangising sabi nya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naaaliw sya o naiinis.

"Hindi a."

"Anong tawag mo sa ginagawa mo? Hindi ba paranoia yan?"

"Hindi a.. nag-aalala lang ako."

Napailing sya.

"Can you just sit back and relax? Pati ako nate-tense sa ginagawa mo. Just take that off your mind, from what might happen for the meantime. At least ngayon pauwi ka na at hindi ka na trap sa resthouse ko."

I shrugged.

"May point ka don."

"Let's talk about some other things to take your mind away from your house. Sabi mo parehong doctor ang magulang mo?"

"yeah. " I said with pride. " Yung dad ko, neuro. Tapos yung mom ko, Cardio. But aside from doctoring patients, involve din sila sa research, particularly in cancers. Nakikipagtulungan sila sa ibang doctor sa iba't ibang panig ng mundo, and they've done a lot of break through!"

"Your parents must really be something. " Ayan na naman ang bitterness sa tono nya. Pero mabilis na binago nya ang usapan. "Graduate ka na ba?"

"Malapit na. Actually finals week nga namin ngayon! Nakuuuu..... na-miss ko yung 1 day ng exam! Kaya nga hindi ako sumama sa New York dahil doon!"

"Ayan ka na naman, nag-aalala ka na naman. Isipin mo na lang na dahil sa lakas ng bagyo at baha, malamang walang pasok."

"Haaaayyy sana magdilang anghel ka!"

"You'll see. Kung na-miss mo man yung exam mo at hindi ka bingyan ng special exam, tawagan mo ko. Ako kakausap sa kanila."

"As if naman! You mean to say, na mas kaya mo silang i-charm kesa sa akin? FYI Mr.-ano na nga bang surname mo?"

Natawa si Air at pailing-iling.

"Never mind my surname... "

"FYI... terror na lalake yung dean namin at siguradong hindi uubra yang charm mo!"

"Wanna bet? I can be very persuasive." At kumindat pa! EEEEWWWW! Ang baduy nitong lalakeng ito! Nakakainis!

" Just in case lang naman na talagang na-miss mo yung exam mo. "

"Wish ko lang talaga na-cancel. Kaso bihira ang cancellation ng collage, feeling kasi nila mga sirena kami!"

"Now That's a thought. Naiimagine kitang naka-costume ng sirena. Bagay siguro sa 'yo."

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon