Chapter 13

32.5K 765 35
                                    

Chapter 13

Kyle

I think I'm floating on air! This has been one of the most memorable day of my life! Sobrang saya ko lang! Ito na ba talaga ang feeling na inlababo? Feeling ko ang laki-liki ng puso ko. Ispired na inspired ako at gusto kong magsulat! Kung ganito lang ang feeling, sa tingin ko makakatapos ako ng isang nobela sa isang araw. Mas lalo akong yayaman nito!

Nakasakay na kami ni Ate Ja sa van at pauwi na kami sa bahay namin.

"You owe me again.. BIGTIME! Alam mo ba kung anong pakiramdam ng kasama yung babaeng gremlin na yon! Naubos ang ganda ko! Sinipsip nyang lahat, gusto pa atang tunggain ang dugo ko! Hoy!!! Nakikinig ka ba?! Get that stupid smile off your face!"

"Huh? May sinabi ka ba?"

"Aaaaaaaaaaaaarrrrrrgggggggg! You're sooo infuriating! Naghuhurumintado na ako dito, nakalutang pa din sa alapaap ang utak mo!"

I smiled sweetly at her.

"Sa lanat ng pinsan ko ikaw ang pinakamabait, Pinakamaganda, Suppper bait pa!"

Tinaasan nya ako ng kilay

"E syempre ako na talaga yon. Ako lang kaya ang kaisa-isa mong pinsang babae! Ikaw, hindi mo ako madadaan sa ganyan."

Hindi ako natinag sa taas ng boses at pagkaasar nya. My mood is too good to feel intimidated by her.

"Saan ba kayo napadpad ni Gaygie at ganyang na lang ang pagkainis mo?"

PagkaLabas ko ng studio kanina ay nakaabang na si Air at si Gaygie sa akin. Nagkasundo kami na gagala na muna sila Gaygie at isasama si Ate Ja. Noong una ay ayaw ni Ate Ja, pero dahil idinaan sa charm ni Air, ay napapayag din ito sa wakas. Pinuntahan na lang nila kami ulit pagkatapos ng dalawa't kalahating oras.

"Napaka ganda ng restaurant na kinainan nyo, tapos ako.... AKO.... Sa point point lang ako dinala ng pagkakuri-kuripot na gremlin na yon! Halos sabaw lang ang ipakain sa akin, at candy na nga lang ang hinihinginkong dessert, hindi pa maibigay! Nakuuuuu! Gutom na gutom pa man din ako!"

Halos magdikit ang kilay nya sa sobrang pagkaasar.

"Teka... Bakit ganon?" Nakita kong binig yan ng malaking budget ni Air si Gaygie para ilabas ito. Hindi kaya umandar. Na naman ang kakuriputan nito?

"Sige na, wag ka nang magtampo. Labas tayo bukas. I'll treat you anywhere you want."

"Hmmmm..." Nagbago ang itsura nya at medyo napangiti at parang may iniisip na hindi maganda!

"You'll make it up to me?"

"Of course! Sobrang ganda ng mood ko ngayon kaya kahit saan mo gustong pumunta, sagot ko. Pero sagot mo pa rin ang palusot."

"Sigurado ko dyan a... " i don't like the way she's looking at me, kinakabahan ako sa iniisip nya. I don't like this.

"Ok sige, ihanda mo ang passport mo. Bukas na bukas din ay ipag-sho-shopping mo ako sa Hong Kong."

"Sobra naman kung makahingi ito ng kapalit! Wagas na wagas! Yung realistic naman. Saka as if papayagan tayo. Kahit maluwag si Tito Railey sa yo, sure ako na hindi ka nya papayagan na magliwaliw sa ibang bansa."

"Joke lang, ito naman, lahat sineseryoso. Ako na bahala sa itinerary natin bukas, basta ikaw ang taya."

"As always naman, hindi mo na kailangang sabihin. Well anyway, hindi ko nasabi sa 'yo, pasasalamatan mo ako ng bonggang bongga. hindinlang magaling umarte yung magiging partner mo, ang gwapo pa!"

Bigla syang na-excite sa sinabi ko at nga twinkle-twinkle pa ang mga mata.

"Anong pangalan? Artista na ba? Sikat na ba? Details my dear cousin, I WANT DETAILS!"

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon