Chapter 10 part 2

34.5K 826 42
                                    

Date upload: 8-13-14

AN.. Maikli lang ito. Wala akong masyadong maisip... Mas gusto ko kasing magbasa ngayon.

Bawi na lang next chapter.

mukhang tatanggalin ko na talaga ito sa short story category. humahaba na naman,,

Chapter 10 part 2

Kyle

"You mean to say na kayo ang magkasama noong nawala ka nung kasagsagan ng bagyo!!!!!!!!!!"

Nasa isang restaurant kami ngayon, malapit doon sa pinagmeetingan namin kanina. Inaya kami ni Air para maglunch, ayoko sanang sumama dahil nahihirapan akong kasama siya. Ang hirap intindihin ng nararamdaman ko mas lalo kapag malapit sya. Ito namang si Ate Ja, she threatened me kung hindi ako papayag mag-lunch.

"Chill.... Eskandalosa ka!" Saway ni Gaygie kay ate Ja. Humarap sya sa kin at kung todo naman ang ngiti nito. Feeling ko mas nakakatakot sya kapag ngumingiti kesa kapag nagtataray. SCARRRYYY!

"Nakuuuu! Number one fan mo ako! Ikaw pala yung favorite author ko! May koleksyon ako ng mga libro mo! Kumpleto! Dadalhin ko sa yo minsan, pirmahan mo lahat a!"

Yayakapin sana nya ako pero tinulak sya ni Ate Ja.

"Bawala yan! Baka may rabis ka, lagot ako sa nanay nyan kapag inuwi kong may damage yan!"

"Hungtaray naman nito! Hindi mo ba alam na close kami nyang pinsan mo?" Itinaas nya ang dalawang daliri nya at ipinagdikit ito. "Ganyan kami o! GANYAN!"

Huh? Talaga? Kelan pa?

"Whatever... Ang alam ko, walang kaibigan ang pinsan ko na kamukha ng bride ni chuckie!"

"Ate Ja.. That's so rude! Ano ka ba? Mabait naman talaga si Gaygie" pag tulog.

"Ikaw naman Kyle,malihim ka na ngayon a! Tampo ako sa 'yo."

Nilambing lambing ko si ate ja. "Sorry na, hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction mo kaya hindi ko sinabi sa yo. Hindi ko din naman alam na magkikita pa ulit kami. Ang akala ko forever goodbye na noong naghiwalay kami sa bus station. Sorry na."

Kanina pa nakatingin lang sa amin si Air. Katulad kanina sa meeting, he has this amused smile in his face. Ang hirap lang basahin kung anong nasa isip nya. Nako-conscious ako ng sobra at halos hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdamn ko kapag nagtatama ang mga mata namin.

Dumating na yung receipt namin at tumayo na kami.

"Sige Air, salamat sa lunch. " tumalikod na ako pero hinawakan nya ang braso ko.

"Not so fast Kyle. You're not gonna get away that easily again."

Tinignan ko ang kamay nyang nakahawak sa akin at napalunok na lang ako. He is waaaay too close for my liking!

"Naalala mo ba yung sinabi ko sa 'yo noong naghiwalay tayo sa bus station?"

"Ummmm marami kang sinabi e. Nakalimutan ko na." Nakalimutan? O sadyang kinalimutan?

He smirked at me.

"Just try to remember. Just keep in mind na paninindigan ko ang sinabi ko sa yo noon. And wether you like it or not, I'm taking you home."

Nanlakia ng mga mata ko. He can't be serious!

"No way!!! Hindi pwede!"

"At bakit naman hindi?"

"Naman e! Don't complicate things. Alam mo naman na strict ang parents ko. Ang paalam nga namin ay sasamahan ko lang mag-apply si Ate Ja, tapos pag-uwi ko may bitbit pa akong lalake! Oh my gosh! Ibabartolina ako ni warden!"

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon