Chapter 10 part 1

34.8K 873 30
                                    

Date uploaded : 8-12-14

AN... ginawa ko na lang ulit by part.. tinatamad na ako. bukas ko na itutuloy ito. AYAN MOMMY A! NAGUPDATE NA AKO A! :P ... ililibre nyo ako ng cheese cake nyan!

Chapter 10 part 1

Kyle

Nanlaki ang mga mata ko sa taong bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto!

"Air!"

"Kyle!"

Sabay pa kaming nagsalita at pareho kaming hindi makapaniwala!

"You know each other?" Tanong ni Mr. Gonzales.

"Kilala mo sya cuz!!!!"

"Ummmm." Wala akong masabi! " ano kasi e..."

Oh no!!!!! Buking ako ni ate ja!

"Ummmmm... Hindi naman masyado, slight lang."sabi ko at tinignan ako ng nakakaloko ni Air.

"Slight? Are you sure about that?" Nakangising sabi ni Air sa akin at tinignan ko sya ng pailalim. MAKUHA KA SA TINGIN!!!

Si ate ja naman nakatulala lang kay Air. As in nakatulala, nakatigil, at slightly nakabuka pa ang bibig!

Siniko ko sya. "Hoy! Snap out of it! It's rude to stare. " Pabulong kong sinabi sa kanya at natauhan naman. Kaso nung nakabawi naman sa pagka-shock, halos mapigtas na ang bibig sa lawak ng pagkakangiti with matching twinkiling of the eyes pa!

"Air.. Ikaw pala yung sinasabi nilang magiging lead?! OH my gosh! I'm such a fan! As in!!! Aaaaayyyyyy!!!I'm sooo mahihimatay! Pwede mo akong saluhin???!!! Hihimatayin na ako!!! Aayyyyyy!!!!"

Hala! Matindi pala ito pag nag-fan girl mode!!! NAKAKAHIYA!!!! Hinawakan ko sya sa braso at kinaladlad ko patungo sa mga upuan. Baka kung anong gawin nito at ikahihiya na kami ng lahi namin!

"Pasensya na po. Sobrang hyper lang po ng pinsan ko."

Naaamuse naman sila. Carry lang nila yung ganong outburst. Kung sabagay, hindi na bago sa kanila ang pag-aamok ng mga fan girls, they're celebrities after all.

Tahimik na akong nakaupo while everybody's settling down. Pero nagulo ang mundo ko ng umupo sa harapan ko si Air. Tinitigan nya ako at pakiramdam ko ay malulusaw ako!

What's with this guy? He has this amused expression in his face, dahilan para kumabog ng bonggang bongga ang dibdib ko.

E kasi naman e, ang tagal ko din syang hindi nakita. Na-miss ko ba sya? Oh my gosh! I think I do!!!!

Then he smiled... And my heart went overdrive!

Umiwas na lang ako ng tingin, hindi ko kasi matagalan. Malakas naman ang aircon pero pinagpapawisan ako. Sana matapos ng mabilis itong meeting na to.

Tumayo yung isang lalaki at nagpakilalang si Direk Arnel.

"I'm not sure if you're familiar with me, Ms. Breathe. Naikwento kasi sa akin ng pinsan mo na hindi ka mahilig manood ng tv or movies, at kahit yung sarili mong obra ay hindi mo pinanonood sa sine."

Oh my gosh!!! Ikinuwento ni ate Ja?! Nakakahiya naman! Baka sabihin na hindi ako tumatangkilik sa sariling atin.

"Bakit mo sinabi yon! Kaw talaga!" Pabulong na sinabi ko kay Ate Ja.

"E totoo naman e."

"Hindi na kita ililibre ng banana split mamaya."

"Subukan mo lang..mas malaki nga ang atraso mo sa kin. Marami kang hindi kinukwento. Magtutuos tayo mamaya."

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon