Chapter 8

39.1K 914 46
                                    

Date updated : 8-14

AN

Medyo masama ang timpla ng mood ko ngayon... kaya hindi ko alam kung ok itong chapter na ito. ire-review ko na lang kapag nasa mood na ako.

Hiast sa dami pa ng idea ko sa kwento na to.. mukhang matatanggal na naman sa short story category ito!.. But I will still try my best to compress this.

Hindi talaga ako sanay magsulat ng maikli!

Chapter 8

Air

"WHAT THE HELL WERE YOU THINKING!!!" Nanggagalaiti si Manager Leanne, labas lahat ng ugat sa leeg, pati na rin sa mukha! Siguro kung mag-audition sa horror movie ito, papasang impakta ito. Hindi ko sya masisisi. Malaking gulo nga naman ang nangyari kanina. And it's all my fault.

"Ouch! Dahan dahan nga Gaygie!" Ginagamot ni Gaygie ang mga natamo kong sugat. Ang sakit din ng buong katawan ko.

"Sorry naman bossing. Kayo naman kasi, ano ba ang nakain nyo? For the first time, nawala kayo sa kanta! Para kayong nahibang kanina at biglang nawala kayo sa sarili. Akala ko si sisa lang ang nagkakaganon--"

Tinignan ko sya ng masama.

"Manahimik ka na nga lang."

"Sabi ko nga bossing."

Nasa backstage kami, dalawang oras matapos magka-riot sa Event center ng mall. You heard me right. Nagkaroon ng riot dahil hindi ako nag-iisip and I was at the middle of it! Sobrang pinagkaguluhan ako. Halos lahat ng tao ay nagpumilit na makalapit sa akin to the point na nagkapikunan at nagkasakitan na ang lahat. It took a lot of guards to disperse the crowd at nandito pa din kami sa backstage at nag-iintay ng go signal kung pwede na kaming makaalis.

"Hindi ata nakabuti ang bakasyon mo. Mukhang mas mabuti pala na hindi ko na kayo pinagbakasyon, lumulutang tuloy yang utak nyo!"

"Si Air lang yon, matino kami manager." Sabi ni Carlo.

"At kayo naman, kapag sinabi kong 5 songs... 5 SONGS LANG!!! Bratatatatattataatatatatatattatatatata!"

Yung mga ka banda ko na ang napagbuntungan ng galit ni Manager. Alam nyang kahit na gaano ako kapalpak ay hindi nya magawang pagalitan ako ng husto.

"I saw her Gaygie." Pabulong na sinabi ko sa PA ko.

"Ano naman ang nakita nyo? Hindi kaya naka-apak kayo ng nuno sa punso kaya hindi maintindihan ang kinikilos nyo at kung ano-ano ang nakikita nyo?!"

"Tigilan mo nga ako dyan sa kalokohan mo. I'm serious, I saw her."

"Sinong her? Ang dami nyo naman kasing her... Si ana, si belle, si carla, si dana... Alphabetical order yon bossing a.. Itutuloy ko pa ba, si erin... Si fritz....? O ang nagtagal na girlfriend / current, na si Madz?"

"No... Si Kyle...."

"Si Ms. Diwata? "

"Sino pa ba?"

Tinignan ako ng nakakaloko ni Gaygie.

"Nakooo.. Bossing iba na talaga yan a.." May panunukso ang boses nya at may pataas taas pa ng kilay.

"Sa dinami-dami ng babae mo, ngayon ka lang nagreact ng ganyan. Para ka pang nababaliw! Uyyyyy... Mukhang tinamaan ka na sa wakas ni cupido a! At may pahabol habol pang nalalaman!!!! Uwaaaaa!!!! Sweet ka pala bossing!!!!!"

Tinakpan kong bigla ang bibig nya dahil napapalakas ang boses nya!

"Manahimik ka nga!"

Hindi na sya nagsalita hanggang sa pagtanggal ko ng kamay ko sa bibig nya, pero hindi naalis sa mukha nya ang panunukso. Ang sarap lang burahin ang mukha nito!

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon