Chapter 5 part 1

37.8K 926 32
                                    

Date uploaded - 8-3-14

A.N.

Konti lang muna. Tinatamad talaga akong mag-update. Kinukulit lang ako ng mommy ko.. heheheheh.. Hi mommy.. love you! hehehehehe..... Ine-edit nya kasi yung sinusulat ko... marami daw wrong grammar!!!! hahahahahaha! sorry naman! hindi ako masyadong magaling dyan... pero lalaban ako sa math and logic.. pagalingan na lang tayo don,, esp sa trigo at prgramming.. hahahahahaha! ... anyways.... thank you mother sa pagtulong sa akin at umpisa pa lang na-eedit na..heheheheh...

wala pang laman to, kaya ginawa ko na lang na by part...

Chapter 5 part 1

Kyle

Sa sinamaang palad ay hindi ako nakauwi noong hapong iyon bagamat humupa na ang bagyo at payapa na ang kapaligiran. Ang kaso ay hindi pa din bumabalik ang kuryente at napakadilim sa daan at hindi safe na umalis. Kaya talagang binantayan ako ni Gaygie para hindi ako makaalis ng bahay, and besides takot din naman ako. hehehehe.. napuyat pa syang kakabantay sa akin. Kaya pumayag na akong mag overnight ulit.

Madaling araw at madilim pa ay bumaba na ako ng kwarto. Kahit na anong mangyari ay uuwi na ako. Mabuti na lang at tulog pa si Gaygie ng lumabas ako ng kwarto. Desidido na talaga akong umuwi at wala ng makakapigil pa sa akin. Siguro naman ay maski papaano ay nagawan na nila ng paraan yung tulay kung ito lang ang katangi-tanging paraan palabas sa bayan na ito.

Dumiretso muna ako sa kusina. Kakapalan ko na ang mukha ko at mag-i-scavenge ako ng kung ano mang pagkain na makita ko. Pero pagdating ko sa kusina ay may nailuto na si Aling Rosing.

"O iha! Ang aga mo namang nagising. Bakit bihis na bihis ka na? Aalis ka na ba?"

"Opo. Kailangan ko na po talagang umuwi. Baka naka-post na sa mga police stations ang litrato ko at pinaghahahanap na po ako."

"Aaaa... Mabuti pa at umupo ka muna dyan at mag-almusal. Luto na rin naman itong daing na bangus."

"Hindi na po, mag-babaon na lang po ako kahit na anong tinapay o prutas...kung ok lang po sa inyo."

"Ay Hindi!.. Hindi ok yan. hindi magandang hindi ka nag-aalmusal. Maupo ka dyan." Iniupo nya ako sa may kitchen counter at mabilis nyang naihain ang almusal with matching kape pa. Naalala kong bigla si Nanay Flor, yung pinaka katiwala namin sa bahay. Sya rin kasi ang nagluluto sa amin at ayaw na ayaw nyang hindi nag-aalmusal ang mga tao sa bahay.. kahit si Daddy ay pinagagalitan nya kapag umaalis nang walang laman ang tiyan.

Speaking of Nanay Flor, baka bumabaha na ng luha sa bahay dahil sa pag-aalala nya sa akin! nakuuuuu! kailangan ko na talagang magmadali!

"Dahan, dahan iha.. baka mabulunan ka... "

"*Hn....di ... Ho... " Sabi ko kahit na punong puno ang bibig ko.

"Hindi mo ba aantayin na gumising si Air? Baka naman mag-alala na naman sa yo yon. Hindi mo ba alam na halos lahat ng tao dito sa bahay ay sinisigawan nya noong nalaman nya na umalis ka ng bahay sa kasagsagan ng bagyo."

"Ho?"

"Aba oo. Alalalang alala sya sa 'yo at baka kung ano ang mangyari sa 'yo."

OOOkkkaaayy... hindi ko inaasahan yon a. Kung sabagay, hindi naman nya ako hahanapin kung wala syang pakialam. Pero kahit na... nakakatuwa lang isipin na hindi pa nga kami magkakilala kahapon ay inaalala pala nya ako.

Maybe I should say goodbye? Para naman malaman nyang aalis na ako at hindi na sya maghanap. Oo nga. I think I owe him that. Saka, he has been a good host to an unexpected guest like me.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Aling Rosing.

"Ummmm.... ok lang po ba kung kakatukin ko si Air sa kwarto nya. Magpapaalam lang po ako. "

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon