Chapter 3 part 2

41.3K 1K 23
                                    

Date uploaded: July 14, 2014

AN...

pasensya na sa mali.. sobrang no edit..

Chapter 3 Part 2

Kyle

"Psssst! "

Naramdaman kong may kumakalabit sa akin. Noong una ay mahina lang pero habang tumatagal ay padiin nan padiin ang pagkakakalabit nya sa akin na para bang patagal nang patagal ay painit nang painit ang ulo nya.

"Miisssss...."

May mga sinabi pa sya pero hindi ko masyadong maintindihan. Groge pa ako dahil malakas pa rin ang tama ng gamot na ininom ko.

Tumalikod ako. Si Manang lang siguro yon. Ayoko pang bumangon, feeling ko kulang pa ang tulog ko.

"HOY MISS DIWATANG STALKER! Kung hindi ka gumising at bumangon dyan ay kakaladkarin kitang pababa! Aba, aba, aba! Itong diwatang ito abusado!"

Iminulat ko ang mga mata ko. Kahit na mabigat pa ang katawan ko ay pinilit kong magising. There's something wrong here. Hindi ko kilala yung boses ng gumigising sa akin. At alam ng mga katulong namin na hindi ako dapat istorbohin sa ganitong oras dahil kailangang mapahinga nang husto ang katawan ko.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nung babaeng gumigising sa kin dahil nakatalikod sya sa bintana at puro shadows lang ang naaaninag ko sa mukha nya.

Pinilit kong bumangon. Huh? Wait! I DON'T RECOGNIze this room!

Bigla akong nagising at nagpanic!

" THIS IS NOT MY ROOM! "

"Malamang kaya.. Obvious naman e."

Tumayo akong bigla at nagpunta sa bintana. Ang lakas ng bagyo! Kitang kita na hinahagupit ng hangin ang mga puno! Pero wait lang? Puno? Malawak ang lupain na natatanaw ko. Nasa probinsya ba ako? Pero saang probinsya? Saka paano ako napunta dito? At sino yng babae na nanggising sa akin na pakiramdam ko ay gusto akong ilublob sa kumukulong mantika!

"Ummmm... Sino ka?"

"Sino eketch? Parang ako ata ang dapat magtanong nyan sa 'yo. Sino ka ba? At ang lakas ng loob mong mag-stalk kay bossing a!"

Stalk? Huh? Sinong ini-stalk ko? Kahit kelan wala pa akong taong kinahumalingan at sinu-sundan-sundan. Kahit nga sa FB hiyang-5hiya ako kahit silipin ang profile ng crush ko, stalk pa kaya? Hindi ko carry yon!

"Baka napagkakamalan mo lang ako. Wala akong sinusundang tao."

"Naaakkkuuuu! Narinig ko ng lahat ang mga excuses na yan! Hindi mo na mabibilog ang ulo ko! Dati nang bilog yan, naging triangle na nga sa mga na-o-obsess kay Bossing--"

"Teka sandali. Wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. At sino si Bossing? "

Iritado na yung babae.

"Owwkay owwkayy.. Sige.. Sasakyan ko na ang pagka-feeling innocent mo dahil mukhang umepekto ang kamandag mo kay bossing... Haaaiiissst!..PERO--"

Nalilito talaga ako sa sinasabi nya. Pero dahil mukhang imbyerna sya at mukhang hindi ako mananalo sa mga sabat nya ay sasakyan ko na nga lang.

"Babantayan kita. Tandaan mo.. Para akong multo na nasa likod mo lang at nakabantay sa mga ikikilos mo."

Katakot naman tong babaeng ito. Ok sige. Bantayan nya. Bahala sya, dahil uuwi na ako maya-maya lang. Kahit na humahagupit ang bagyo. I need to get home!

"Ako nga pala si Kyle." I extended my hand. Magpapaka-friendly na lang ako, kahit ang talim ng tingin nya sa kin.

Tiningnan nya lang ang kamay ko tapos inisnub na ito..

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon