Chapter 11

38.4K 847 34
                                    

Date uploaded 8-15-14


AN


Maikli lang to.

Chapter 11

Kyle

"What a day!" Sumalampak si ate ja sa kama ko at nagpagulong-gulong kasama ang comforter at nagmistulan syang isang malaking shawarma.

Dito na namin sya pinag-overnight, para maka-bonding pa nya ng mas matagal si Lola Madam. Bukas ay ihahatid namin sila Ate Ja sa kanila at doon naman mag-s-stay si lola. 3 weeks lang mag-s-stay si lola dito sa Pilipinas kaya sinusulit namin ito.

"Oo nga. Pakiramdam ko hindi lang isang araw ang nagdaan sa dami nang nangyari."

Nasa tapat ako ngayon ng PC ko at nire-revise ko ang mga character ng 'half crazy' para ma-accomodate dito si Ate Ja. Ginawa ko na lang syang side kick ng leading lady. Nagrequest na din ako kung pwede pang magsingit ng isa pang character para may counter part ang character ni Ate Ja. Pumayag naman sila at bukas na bukas din ay magpapa-audition. Ni-request nila ang presence ko sa audition para mas mapabilis ang processo dahil ako pa lang ang nakakaalam ng bagong character, the problem is,, kung paano ulit kami makakatakas ni Ate Ja.

Sure na,an akong papayagan na sumama sa bahay nila Ate Ja, from there, saka namin kailangan magisip ng palusot.

"Gandahan mo yan , kailangan bonggatious ako sa role ko."

"Anong gusto mo? Ma-out-shine mo pa yung bida?"

"Pwede ba?"

"Sure!" I said sarcastically. "Manahimik ka nga muna sandali, para matapos ko na ito kaagad. They need this tomorrow. Ikaw naman kasi pasingit singit pa! Puyat mode naman ako dito"

"E kung iyan na ang opportunity, bakit hindi pa i-take advantage! Pangarap ko ata talagang makita ang sarili ko sa TV. E eto nga at Movie na kaagad!!! Wahahahahaha!!! Ang saya-saya!"

"Wag na wag mo akong ipapahiya a!"

"Nameeeen... Palagi atang best actress ito sa school plays! Wala ka talagang tiwala sa kin!"

I shrugged. Sure naman ako na hindi sya mapapahiya pagdating sa actingan. Talagang magaling sya. At lahat kaya nyang gampanan. Mapa-bida, kontrabida, drama, comedy. Action na lang ang hindi ko pa nakikita. Imposible naman kasinyon sa stage plays. Hindi lang nya penersue ang mag-artista dahil ayaw ng magulang nya.

"Pssst.. Cuz. Magsabi ka nga ng totoo."

"Ano na naman yon?" Wala sa loob ko ang pagsasalita dahil concentrated ako sa sinusulat ko.

"Tinamaan ka na ba kay Air?"

Napahinto ako sa pag-t-type. Tanong ko din yan sa sarili ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa ito nasasagot.

"Yung totoo lang a. Bawal ang sinungaling. Ako naman ang kaharap mo. Your bestfriend at kaisa-isa mo pang pinsan na maganda!" She unrolled herself from the comforter at umupo sa kama ng matino.

"Promise cuz" tinaas nya ang kanang kamay nya "kahit na anong isagot mo, hindi ako magagalit. Sasabunutan lang kita." Sabay hagalpak ng tawa.

Inikot ko ang swivel chair ko at hinarap ko sya. "Ikaw talaga!"

"Hindi nga? Ano ba talaga ang score? Kapag kasi tinitignan ko si Air parang ang lakas ng tama nya sa yo. I can even suspect that he's head over hills in love with you! Or is that even possible? Sandali pa lang kayo nagkasama. Like 2 days and a half? tapos kanina lang ang second meeting nyo. Pero grabe a, feeling ko, you've known each other for quite some time now."

"Alam mo, Iyon na nga rin ang puzzle sa isip ko. Is it really possible Ate Ja? I haven't been in love before. Wala pa akong experince sa ganitong mga bagay." Sumandal ako sa upuan ata napabuntong hininga. " Crushes? Yeah! Tons of it.. Pero itong nararamdaman ko kay Air, it's really alien to me. Hindi ko maintindihan."

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon