Chapter 7

36K 866 70
                                    

Date uploaded: 08-06-14

Chapter 7

1 week later

"Gumising ka na!"

Iniangat ko sandali ang ulo ko. Pero mabigat pa ang katawan ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Just a few more minutes Ate Ja. Inaantok pa ako e."

"Anong petsa na! Tignan mo nga ang relo, mag-aalas dose na!"

Itinalukbong ko yung kumot sa mukha ko, pero mapilit talaga si Ate Ja at tinanggal nya ang pagkakatalukbong ko.

"Bumangon ka na kasi!"

"Ano ba! First day ng bakasyon ko, gusto ko naman na i-enjoy pa ang kama ko! "

Tinalikuran ko sya at akmang matutulog ulit.

"Baka nakakalimutan mo... YOU.OWE.ME. B-I-G-T-I-M-E!!! At sinabi mo na gagawin mo ang lahat lahat, makabawi ka lang sa ginawa kong pagtatakip sa 'yo!"

Agggggghhh! Pinaalala na naman! Talagang every hour of everyday, hinding hindi nya talaga nakakalimutan ang pagtatakip nya sa akin!

Noong napadpad ako sa San Sebastian si Ate Ja ang nagpapanggap na ako kapag tumatawag ang mommy ko sa akin. Mabuti na lang at medyo magkahawig ang boses naming dalawa, at sinabi nyang medyo may dipresya ang mic ng cellphone ko kaya paniwalang paniwala si mommy na ako ang kausap nya.

Muntik na din silang magpunta sa pulis at sa mga TV stations kung hindi lang tumawag ako at nagpasya sila ni Manang Flor na bibigyan pa nila ako ng hanggang sa kinabukasan. At kung hindi ako sumulpot ay irereport na nila ang pagkawala ko.

Sinabi ko sa kanila ang mga pangyayari, maliban sa kung sino ang naging kasama ko. Mahirap na, baka maglupasay ang pinsan ko. Hehehe.

"Ano na!"

I rolled my eyes.

"Oo na sige na! 5 minutes na lang."

"Hindi! Bangon ka na dyan at may pupuntahan tayo!"

"EEEEEEE... naman e! Saan ba tayo pupunta at hindi makapaghintay man lang ng 5 minutes?! Urgent ba yan? May naghihingalo ba at kailngan ng presence mo ora mismo?!"

"Hindi! Alam ko na saksakan ka ng tagal sa banyo, aabutin tayo ng millenium bago makaalis!"

Exage talaga kahit kelan.

Hinila nya yung braso ko para ibangon ako, pero napatigil sya.

"Kyle, bumunggo ka ba kung saan? Bakit ang laki ng pasa mo?"

"Ha? Asan!"

Tinuro nya yung pasa sa braso ko. Bigla akong kinabahan. 
Malaki ang pasa, pero hindi naman sya sumasakit. Saan ko kaya nakuha ito? Hindi naman ako nabunggo kahapon. Aaaaa! Baka naman magkakaroon na ako. Siguro ganon na nga at hinawi ko na sa isip ko ang mga namumuong hindi magandang bagay. Hindi, this is just natural.

Bumangon na ako ng tuluyan at naghanda na sa lakad namin ni Ate Ja. Kung saan man iyon ay hindi ko alam. Nilulubos-lunos na namin ang natitira pang panahon na malaya ako. Ok lang din naman kay Nanay Flor at tiyak kong hindi nya kami isusumbong kahit na nag-ma-mall kami araw-araw pagkatapos ng exam. Ngayon lang naman ito habang wala ang mga magulang ko. Kapag bumalik na si warden, siguradong bartolina na naman ako. Mas lalo na ngyaon na wala na akong pasok.

Naalala kong bigla ang mga napag-usapan namin ni Air. What should I do beyond college? Hmmmm... Kung maghanap kaya ako ng trabaho? Sayang naman ang tinapos ko kung hindi ko ito magagamit. Hindi naman siguro display lang ang diploma. Sana lang ay payagan ako ng magulang ko. Pero, tama din yung sinabi ni Air. Na kailangang. Na ang trabaho ko ay may kinalaman sa passion ko. Ang pinaka passion ko naman ay ang magsulat. Nagagawa ko na rin naman ang dream job ko kahit na si Ate Jazzy lang ang nakakaalam nito. Kung ipagtapat ko na kaya sa magulang ko? Gusto ko na din naman na i-share sa ka ila ang success ko bilang isang kilalang manununlat. Pero.. Kapag naman nalaman nila ito, mabubuking ako na ilang taon ko ng ginagawa ito! Naku.. Saka na lang. Hindi pa ako hadang mapagalitan ng bonggang bongga!

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now