Chapter 12 part 2

36.1K 865 50
                                    

Date uploaded: 8-19-14

Chapter 12 part 2

Kyle

"This way sir." Sinamahan kami ng isa sa mga receptionist ng restaurant sa reserved table namin at obvious na may HD iyon kay Air. Ang lang lagkit makatingin, mukhang pinaglihi sa kakanin! Well, what do I expect? Lahat naman ng mga babae may gusto sa kanya at karamihan doon ay lantaran na ipinapakita ito! Yung iba nga, hindi lang pinapakita, kung ano ano pa ang ginagawa! Where's the dignity in that?! Naglaho na ba talaga ang mga kalahi ni Maria Clara? Ang sarap lang ihulog sa poso negro!

Well, kung sabagay, celebrity si Air, they need those supporters. Buhay ng mga celebrity ang mga fans. Kapag wala kang fans, wala kang career. Sige na nga, pagbigyan.

I looked around the place. Kakaiba itong resto na to. Garden ang setup but it's indoor, pero feeling mo nasa outdoor ka because of its glass dome that you can actually see the stars and the moon in the sky. Meron pa itong small man made pond where there are swans and fishes in it.

"This place is huge! and It's really amazing! " May pagkamagical and romantic pa ang effect because of the lighting of the place. I'm sooo in love with the place already.

Ngumiti lang si Air at halatang natuwa dahil nagustuhan ko ang lugar.

Narating na namin ung table namin. Air pulled out a chair for me at pinaupo nya ako. Ahihihihihi.. Kilig much naman ako! Napaka gentleman naman nya! It took all my will power to hide my feelings. Mahiya naman ako sa fayz ko kung ipakita kong halos maglupasay ako sa sobrang kakiligan! Naman kasi! Look at him! The man is totally gorgeous, especially ngayon na napaka-clean ng itsura nya. He's still wearing his glasses at talagang mas cute sya ngayon! Mukha syang matino.

"Malabo pala ang mata mo?"

"Hindi naman masyado, medyo na-strain lang ang mata ko. May nagpuyat kasi sa akin." Nginisian nya ako at tinaasan ko sya ng kilay.

"Hmmmm.. si Gaygie? Hindi ka pinatulog?"

"Nah... may isang diwata na kahit sa pagtulog ko ay sinusundan pa din ako. She's hauntIng me, and I can't seem to get her out of my system." He shrugged. " But I like it. no... I don't like it..... I love it." Tinignan nya ako ng pailalim and all I can do is held my breath. NO WONDER NAGKAKANDARAPA ANG MGA BABAE DITO!!!! My gulay!!! TUBIG! TUBIG!

"Ummmm.... Waiter!" Tinawag ko ang pinakamalapit na waiter at dali-dali naman itong lumapit.

"Yes Ma'am?"

"Menu please... ayyy.. no wait ... give me water na muna, yung maraming maraming ice. "

Umalis na yung waiter at natuon ulit ang pansin ko sa lalakeng nakangisi sa akin.

"too much ice is bad for your throat."

"I don't care, hindi naman ako singer, writer lang ako, so I'm entitled to an ice cold water."

Keep your cool kyle... kaya mo yan. Level lang. Inhale.. Exhale!!!

Mabilis na nakabalik ang waiter with my super ice cold water at dali-dali ko itong ininom. Nakatulong naman ito para mapakalma ako at nagstable na ang nagwawala kong dibdib.

OK, game!

Lumapit sa table namin ang isang kagalang galang na lalake. Naka suit sya pero sya ang nagdala ng menu namin. Manager kaya sya sa resto na to? Head waiter? Hmmm I wonder. Iba talaga celebrity, talagang may special treatment.

"What will you have Kyle?"

I examined the menu, parang ang sasarap naman ng mga pagkain dito. I would really like to order pasta, pero parang may nabasa ako dati, ordering of pasta on the first date is a big no no.

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon