Chapter 61

23.3K 324 44
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Naabutan kong kumpulan ang tatlong kasama kong halos walang kagalos-galos sa labas ng ospital. Ako lang pala ang napuruhan ng husto sa bugbog bago nakarating ang mga pulis. Bago nila ako dinaan dito para ipatahi ang sugat ko sa noo ay dumaan pa muna kami sa presinto para magbigay ng statement. Ang laking pasasalamat ko nga na wala akong butong nafracture eh.

"Pasuntok naman ng tig-isa para hindi lang ako ang mukhang kawawa," lapit ko sakanila.

"Wala namang ganyanan," tugon ni Ray.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo diyan? Para kayong kulto," napakunot ang noo ko.

"Pinag-uusapan lang namin kung ano..." napakamot si Thom sa ulo niya.

"Huh? Tara na, baka nag-aalala na si Lee. Kapag tinanong kung saan ko nakuha itong mga pasa at tahi sa noo ko, sabihin niyo nalang na nadulas ako at bumagsak paharap—bakit ganyan ang tingin ninyo?" nanlaki kasi ang mga mata nila eh.

"Lee?" si Brix.

"Nag-aalala?" si Thom. Nagtinginan ang tatlo.

"Ah, ayos na kami. Sabay kaming dumating dito. Pinagtritirpan ko lang kayong tatlo—"

"BAKIT NGAYON MO LANG YAN SINASABI!" sigaw nilang tatlo.

"Relax... Teka, anong ginagawa ninyo?"

"TARA NA!" hinila ako ni Ray at Thom at inistart naman agad ni Brix ang sasakyan niya. Sinabi nila sa akin ang ginawa nila habang nasa biyahe kami. Nasobrahan yata 'tong mga 'to sa kakapanood ng mga drama kasama ang mga girlfriend nila eh.

Pagdating namin sa bahay ay inaalalayan ni si Lee na mukhang nagpupumilit lumabas ng pintuan. Lumuluha nga siya pero mukha naman itong tulala. Tumakbo agad ako para saluhin.

"You jerks! Anong pinag sasabi niyong gone?!" sigaw ni Czar sa mga kasunod ko nang makita niya ako. Nagtago agad si Brie sa likuran ni Ray. Mukhang walang alam si Czar sa ginawa nila.

"Lee ko, I'm here," niyakap ko siya. Ilang segundo pa bago siya matauhan.

"You're here!" she sounded relieved. Yinakap niya ako ng mahigpit. Lahat ng sakit mula sa mga pasa ko ay naramdaman ko.

"Sorry Lhaine, our bad," lapit agad ni Brix. Pinahilera ni Czar si Brie, Thom at Ray sa isang sulok. Mukha silang mga batang napapagalitan.

"What was that message all about? I almost died worrying! Hindi nakakatuwa, bakit niyo naman sasabihing patay na siya?" frustrated na sabi ni Lee. Lumapit agad ako sakanya para kalmahin siya.

"Wala naman kaming sinabing patay na siya ah. He's gone lang naman sinabi namin. Ugh, umalis. Parang bumalik sa New York lang sana yun," napakamot si Thom sa ulo niya.

"Brix din naman eh!" napaupo si Lhaine sa sahig at tinakip ang kamay sa mukha. Napatingin ako kina Brix, then grinned. Not cool na pinag alala nila ang Lee ko pero satisfied ako sa pakiramdam na ayaw na talaga niyang mawala ako sa buhay niya.

"Sorry Lhaine, sobrang kinakabahan kasi ako kanina nagkamali tuloy ako ng sabi!" sabi ni Brie pero nakatago parin ito sa likod ni Ray.

"Sorry misleading pala. 'Yun lang naman ang gusto naming palabasin. Ayaw sana naming maki-alam pero kaibigan namin kayo at ang tigas ng ulo ninyong dalawa. Malay ba naming ayos na kayo," nakangiting sabi ni Brix.

"You guys are really in trouble! Kainis. Pati ako mahihimatay na kakaantay ng mga tawag ninyo eh!" pinagsusuntok ni Czar ang braso nina Thom at Ray.

"Tara na sa kusina, mukhang may pag-uusapan pa 'tong dalawa. We're just happy for the both of you," huling sabi ni Brie at pinagtutulak ang iba sa kusina. Lumabas kaming dalawa ni Lee sa may garden. Hanggang ngayon, hikibi parin siya ng hikbi.

"I'm alright," niyakap ko siya.

"I was really scared," hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I know. I won't go anywhere."

"Ryan Lee Sanchez, I love you so much," hinarap niya ako.

"The two year wait was worth it. No matter whatever happens, you'll always be the girl for me. I may find a thousand others who laugh the same way, smile the same way and even talk the same way. But I'll never find someone who makes every heart beat worth every thump, rush and every release... I love you too, Lhaine ko," I leaned closer and kissed her.

Until my last breathe, I'll protect her; until my last strength, I will love her—that's because she's the girl for me.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon