Chapter 4

53.5K 672 44
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Sa buong weekend pagkatapos ng retreat ay inasikaso ko ang mga bills na dapat bayaran at mga gawaing bahay na dapat tapusin. Nag-grocery narin ako. Pagdating ng Monday, as per usual, maaga akong pumasok. Iilan lang ang tao na nandoon sa classroom, kabilang na si Ryan Lee.

"Nakasimangot ka ba talaga tuwing umaga?" tanong niya pagkaupong pagpaupo ko palang. Kahit naman siya, parang nakasimangot.

"Anong tawag mo diyan sa mukha mo.

"Kaguwapuhan. Obvious na nga, tinatanong pa."

"Sa dinami-rami kasi ng puwedeng maka-upo eh."

"Obvious ulit, seating arrangement. It's not as if I LOVE to sit next to you."

"Sarap mong sapakin. Seryoso."

"Sapakin? Subukan mo lang, ipagkakalat ko na—" bago niya matapos ang sasabihin niya, tinakpan ko agad ang bunganga niya. Naging reflex ko na yata eh. Pinuwersa niyang tanggalin ang kamay ko.

"Malinis ba yang kamay mo? Baka naman galing ka ulit —" hinampas ko nang malakas ang likod niya. No one's irritated me like this before. It's annoying!

"Sh*t, amazona," binuhat niya ang upuan niya at nilayo iyon kaunti sa akin.

"Kita mo yang si Lhaine, tatahimik-tahimik, nasa loob naman pala ang kulo," ang lakas ng boses ni Diane na kakapasok lang ng classroom. Her 'minions' laughed.

"Definitely a close b*tch. Using your dead grandma to gain guys much?" kay Diane iyon sinabi ni Erika pero halata namang gustong iparinig sa lahat.

"Pathetic, right?" lumapit si Diane at umupo sa arm chair ni Ryan Lee. Hindi ko sila papatulan. Nanahimik lang ako at nagbuklat ng librong babasahin.

"Drop it. Itong si Lhaine?" tumayo si Ryan at umupo sa arm chair ko naman. Inakbayan pa niya ako! Sa sobrang gulat, lomobo ang mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Itong si Lhaine? No match kayo pagdating sakanya," tuloy pa ni Ryan Lee.

"What?! No way!" napasigaw si Diane. May ilang classmates na nagtawanan sa eksena. Hindi ko nga namalayan na halos puno na pala ang classroom eh. Nag-alisan agad ang tatlo sa harap namin.

"What—what was that?!"

"Just saved you from another conundrum."

"Lhaine! Pinapatawag ka ni Brix. As in Brix Risaralda!" bungad agad ni Czar pagkapasok niya ng classroom. Katabi rin niya si Brie, halos lagi silang sabay sa pagdating sa school dahil magkalapit lang ang bahay nilang dalawa.

"Ha? Saan? Bakit daw?" tumayo ako at nilapitan sila.

"Nasa faculty room. Si Brix Risaralda hinahanap si Lhaine Lee Ramos! Mainggit ang iba diyan!" parinig pa ni Czar. Siguradong sina Diane ang pinapatamaan.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon