Chapter 60

24.4K 314 29
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Isang linggo pa akong nag-lagi sa Perth para samahan siyang asikasuhin ang lahat ng dapat niyang iwaan doon. Pagbalik namin sa bahay ay wala pa kaming sinabihan na nandito na kami. Panay ang text at tawag ng iba pero hindi ko sinasagot. Selfish man pero parang gusto ko na kami lang muna ni Lee ang magkasama.

"Tumawag ulit si Brie. Bakit ayaw mong sabihan ko sila na nandito sila?" pinakita ni Lee sa akin ang ilang missed calls mula kay Brie. Abala kaming dalawa ngayon sa pag-aayos ng mga gamit niyang dumating kaninang umaga.

"Sagutin mo na kapag tumawag ulit siya. Just don't mention that I came here with you."

"Bakit naman?"

"Just tell them that. I just need to do something," I smirked.

"What if they ask? I'm not sure about this," napangiwi siya.

"We'll them together. Tawagin mo silang dawala dito, ako na ang bahala kay Ray, Thom at Brix. Together, okay?" pilit ko.

"You are planning something. Sige na nga, nakaya ko ngang maging mastermind sa isang Lhaine Lee escape eh," ngumiti siya. Mukhang nakuha niya ang balak ko. Isa pa, pakakabahin ko lang muna kaunti ang tatlong taong hinyaan ako para gumulong-gulong sa suka ko. Hindi nga nila pinaliwanag kung paano nagasgas ang sasakyan ko. Quits nalang daw dahil minotivate nila akong hanapin si Lee. Those aren't even the same things!

"You're lovely. Babalik rin ako agad," lumapit ako at dinampian siya ng halik sa labi. Dumating din naman si Manang Amor para tulungan siyang mag-ayos ng gamit. Dito kasi muna siya sa bahay pansamantala habang wala pa siyang malilipatan.

"Mamimiss kita agad?" patanong na sabi nito.

"Are you asking me? That's really lovely. Hey, I really want to hear those words again," I teased her. Simula kasi nang nagka-ayos kami ay hindi niya pa sinasabing mahal niya ako—outloud that is. I can feel it but hey, words are powerful too.

"Enroll, study well, be a great guy then I'll say it," pabirong sabi nito. Kinurot ko nalang ang magpabilang pisngi niya bago lumabas. Tinawagan ko sina Brix na salubungin nila ako sa bar na kung saan kami naglagi ng dalawang linggo.

"Anong nangyari? Kausap ko si Brie kanina at sinabi niyang papunta na sila ni Czar sa inyo dahil nandoon si Lhaine?" hindi manlang hinintay ni Ray na makalapit siya ng husto sa akin bago nagtanong. Kasunod niya sina Brix at Thom.

"Babalik daw siya dito sa kondisyon na dapat ay bumalik ako ng New York," madramang sabi ko pero pigil na pigil ko ang tawa ko. Mukhang matatae na kasi sila sa kakahintay eh. Pagulungin pala sa suka ha? Parang ilang araw bago nawala ang amoy 'nun sa buhok ko!

"Hindi mo nabago ang isip niya?" tanong naman ni Brix.

"May mga bagay na hindi na talaga natin maibabalik. May mga bagay na kahit pagtagpi tagpiin, hindi pa rin mabubuo," tinungga ko ang hawak kong beer pandagdag nanaman ng drama. Buti hindi ko nanaman naibuga ang iniinom ko.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon