Chapter 56

24.8K 312 29
                                    

Brix Risaralda – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Brix Risaralda – POV

Punong-puno ng ang pinasukan kong nightclub. Sembreak na kaya laganap ang yayaan sa mga party. Wala naman sa isip ko na lumabas at magpakasaya, kinailangan ko lang pumunta dito dahil sa mga kaibigan ko. Nadatnan kong nag-uusapa si Ray at Thom samantalagan si Ryan ay nasa gilid lang at sinosolo ang isang bote ng Vodka. Sinalubong ako ni Ray nang makita niya ako.

"Pasensiya na, nasobrahan kami. Ayaw pang umalis niyang isa, mahirap mapagtripan eh. Ang masama pa, kung sino-sino ang pinaghahamon niya."

"Ano nanaman ang problema niyan?"

"Ano pa nga ba? Mukhang sa'yo lang siya makikinig eh."

"Bakit naman ako? Ano ako, girlfriend niyan?"

"Hindi, alam mo kung nasaan ang girlfriend niya."

"Tsk, oy, tama na 'yan," inakbayan ko si Ryan. Bigla siyang tumawa. Halos dalawang linggo na ang dumaan nang maka-alis si Lhaine. Akala nga namin naka-alis na din si Ryan pero bigla nalang itong nagpakita sa amin at yaya ng yaya para lumabas at maglasing. Laging si Thom at Ray ang kasama niya. Wala nga lang kaming narinig na dahilan mula sakanya kung bakit nandito parin siya.

"Dumating ka nga. Sasabihin mo na ba kung nasaan siya? Kung hindi hahanapin ko siya sa bawat sulok ng Perth kahit ilang araw, buwan o taon pang abutin!" sabi nito habang tumatawa.

"Bago 'yan ah," bulong ni Ray.

"Tara na," sabi ko sa tatlo.

"Paubos na," pigil ni Ryan sa amin. Nilagok niya ang naiwang Vodka at hindi na ako magtataka kung bigla nalang siyang magsuka pagkatayo niya o pagkalabas namin.Inalalayan namin siya palabas hanggang sa parking lot kung saan nakaparada ang sports car ni Ryan na gamit nila. Bago nga lang namin marating ang sasakyan niya ay nagsusuka ito sa paradahan ng mga motor. Ang masama pa, nagkalat iyon sa iisang motor lang.

Kinapa ko sa bulsa niya ang susi ng sasakyan. Iniwan ko sila doon para kunin ang sasakyan. Huminto ako sa tapat nila. Ngayon naman, nakahiga na si Ryan sa suka niya at mukhang masusuka narin sina Thom at Ray.

"Tara na," tawag ko sakanila. Habang binubuhat nila si Ryan ay na-outbalance silang tatlo dahilan para matumba nila ang isang motor. Naging domino effect iyon kaya natumba ang buong isang hilera ng motor.

"Sh*t, kaladkarin na natin," sigaw ni Ray at talagang hinila-hila nila si Ryan para maisakay sa backset. Habang ginagawa nila iyon, may apat na lalaking palapit sa amin at nagulat sa eksena ng mga motor.

"HOY! MGA G*GO!" sigaw ng isa sa nauna at patakbo na sila sa amin.

"Tara na! Dalian niyo!" sigaw ko narin sa mga kasama ko. Nagkumupalan sila sa likod at minadali ko na ang pag-alis sa parking. Nagsisigaw pa ang grupo nang makaalis kami.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon