Chapter 18

36.9K 543 76
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

DALAWANG LINGGO ang dumaan matapos ang insidente sa beach at halos hindi ko na nakikita at nakakausap si Lee. Minsan ay hindi siya umuuwi o kundi ay lasing naman siya kapag dumarating. Lagi akong pumapasok mag-isa dahil kapag hinintay ko siya ay male-late rin ako lagi gaya niya. Karamihan rin ay nagka-cut classes siya.

Nagmamadali akong bumaba nang marinig kong bumukas ang gate. Hindi ko inasahan na sina Tita ang dumating. Pinagtatakpan ko si Lee netong nakaraang mga araw pero nag-aalala na talaga ako.

"Why didn't you tell us right away? The last time he did this, he got into an accident," pabalik-balik ng lakad si Tita.

"Calm down honey. We'll talk to him as soon as he gets home," giniya ni Tito si Tita para umakyat nasa kuwarto nila. Naiwan akong mag-isa sa baba at sakto rin namang may humintong sasakyan sa labas. Lumabas ako at nasilip si Lee na pababa sa isang sports car. Halatang lasing na lasing ito dahil hindi pa niya mabuksan ang gate.

"Lee, kakauwi lang nina Tita. Lasing ka nanaman ano bang nangyayari sa'yo?" sinubukan ko siyang akayin nang malapit na siyang matumba pero tinulak niya ako.

"Wala kang karapatang sermonan ako."

"Kapag pinagpatuloy mo 'to siguradong grounded ka. Nag-away ba kayo ni Yaj kaya ka nagkakaganito?"

"Mag-aayos lang ako, sabay na tayong pumasok," sabi nito at pagewang-gewang na pumasok sa loob. Ilang saglit pa ay narinig ko ang sigaw ni Tito. Nanatili lang ako sa labas dahil ayaw kong makita ang eksenang iyon. Tito kept on shouting and I haven't heard anything from Lee. He's definitely grounded. Pumasok lang ako nang matahimik sila. Minamasahe ni Tito ang sentido niya habang hinahagod ang likod ni Tita na umiiyak na.

"Kakausapin ko po siya," lapit ko sakanila. Kung si Yaj man ang dahilan ng lahat ng ito, kakausapin ko rin siya. Nasaan na 'yung sinabi ni Lee na hindi ito mauulit?

"Please do that. He might listen to you," sagot ni Tita. Umakyat ako sa kuwarto ko para mag-ayos. Mukhang hindi nanaman papasok si Lee. I ended up crying. Ayaw ko na nagkakaganito si Lee—kahit na ano pa ang dahilan.

Pagdating ko sa school, hinanap ko agad sina Czar at Brie para may mapagsabihan ako. Sinumulan ko ang kuwento mula insidente sa beach hanggang sa mga ginagawa ni Lee. "Gusto kong lapitan si Yaj at tanungin pero parang umiiwas rin siya."

"I think hindi 'yan ang issue eh. Lhaine, sinabi mo kay Ryan na gusto mo si Brix at pagkatapos 'nun saka siya nagkakaganito," Czar commented.

"Imposible namang ako ang dahilan."

"I-set aside natin ang mga complications ng triangle. Importante si Ryan sa'yo tama? Well then, iparamdam mo sakanya. You can worry 'till kingdom come pero para saan pa kung hindi mo ipapakita. Mukhang importante ka rin naman sakanya kaya baka mag-bago ang isip niya," sunod ni Brie.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon