Chapter 11

39.3K 523 32
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Tawa kami ng tawa ni Brix habang pinag-uusapan ang gaganaping paintball war sa school day. Puro kasi siya 'tratraydurin ko ang team ko para manalo ka' o di kaya ay 'dapat slow motion kapag natamaan tayo'. Haha!

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" saglit akong tinignan ni Lee bago binalik sa daan ang atensyon.

"Wala. Ah, hindi ba natin ihahatid si Yaj or something?"

"Hindi. Sumakit ba mata mo? Kahit naman kasi sa madilim nag-aaral ka."

"Greater point is nag-aaral ako. Haha."

"Matulog ka na muna, may pupuntahan pa tayo."

"Saan?! Isa-salvage mo ba ako tapos itatapon sa ilog?!"

"To your parents' house," binalewala niya ang biro ko.

"Ang layo kaya 'nun!"

"I wanted to apologize to you in front of them. Remember when we went there? I told them I'd take care of you."

"Sinabi mo 'yun? Parang hindi ikaw ah."

"Tapos ngayon kung saan saan ka nadadamay ng dahil sa akin."

"Apology accepted. Sa ibang araw na tayo pumunta doon. Aabutin tayo ng madaling araw pauwi tsaka mag-aaral pa ako at may school fair pa—" I can see spots floating, nakaka-stress ang pinagsasabi niya eh! Para siyang nasasapian.

"Oy relax lang. Uuwi na," nag-U-turn siya. Ano kayang nakain nito? Pagdating sa bahay, diretso siya sa kuwarto niya. Akala ko pamandin mag-uusap kami though hindi ko naman talaga makita ang point. Hintayin ko lang ba na lapitan niya ako?

Ugh! Tuloy, hindi ako maka-concentrate. Kahit noong kainan na, hindi siya bumaba napilitan tuloy akong tawagin siya. Naka-ilang katot ako pero hindi niya 'yun binuksan pero hindi iyon nakakandado kaya pumasok nalang ako. Nasasayang ang oras ko eh!

"Kumatok ka naman," nakangising sabi niya. Napanga-nga kasi ako nang makita ko siyang naka-top less. Ang payat niya pero may abs siya. Six pack? Four?

"Oy, nandito sa taas ang mukha ko," hinawakan niya ang baba ko at inangat.

"Mag-damit ka nga kakain na!" tinalikuran ko siya.

"Mainit eh. Are you sure you don't want another look? VIP ka pagdating dito," tawa na siya ng tawa. Tinanggal ko ang isa sa slippers ko at hinagis sakanya bago nagtatakbo pababa. What was that!

Ganadong-ganado siyang kumain. Nagulat pa nga ako nang may dumating na delivery kanina eh, dalawang box ng strawberry cake! Nakakatakot siya, ang bait niya masyado ngayong araw. But at least hindi na kami awkward sa isa't-isa?

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon