Chapter 17

34.5K 486 61
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

"End scene!" sigaw ng isang ka-grupo namin ng matapos ang huling eksena ni Brix. Nagkumpulan ang lahat sa nakahawak ng camera para tignan ang nakuhanang footage.

"Congrats sa atin," inakbayan ako ni Brix.

"Best actor, what can't you do?" pabirong sabi ko.

"I still have two wishes. Date me or just answer my question. Kahit ba 1% may pag-asa ako sa'yo?"

"Date as in as boyfriend-girlfriend?" litong tanong ko. Brix is right in front of me pero si Lee ang pumapasok sa isip ko. Mabait si Brix at lagi niya akong inaalala. I can't think of Ryan Lee right now, may Yaj na siya eh.

"It's more like knowing each other more. Ide-date kita hanggang sa maumay ka sa mukha ko. I'll date you 'till you end up liking me too," pinihit niya ako at pinaharap sakanya. Lighters started to float in the sky. Oo nga pala, closing ng fiesta dito ngayon. Hindi ko siya nasagot.

"Pero kung gusto mo ng shortcut, wala akong angal diyan," pabirong sabi niya sa huli. Pinaghahampas ko tuloy 'yung balikat niya. Hiyang-hiya na nga ako dito eh.

"No shortcuts!" nasabi ko rin.

"Gusto mo bang kantahan kita sa school?" tawa pa rin siya ng tawa.

"Wala man lang originality, gagayahin pa si Ray eh!"

"Challenging 'to ah, kasama mo si Ryan sa bahay at seatmate mo pa siya. How can I divert your attention? Hmmm."

"Ryan nanaman."

"Wala talagang problema sa akin kahit maging rebound mo ako. Handa kong gawin ang lahat para sa'yo," he suddenly hugged me. It's so warm. Biglang may naghiyawan sa likuran namin.

"Sila no oh!" sigaw ni Brie. Lumapit sila at pinaligiran kami. What did I just do? Kami na ba? I don't know, I don't have any idea about this!

"Lhaine Lee, may sasabihin ako," hingal na hingal si Lee at sumingit sa grupo namin. Tinignan ako ni Brix at tumango. Humiwalay ako sa grupo at sumama kay Lee. Punong-puno ng lighters ang langit at ang ganda ng simoy ng hangin sa tuktok ng headland.

"Makinig ka ng husto sa akin. Hindi madali para sa akin na—"

"Kami na yata ni Brix," singit ko agad. If I listen to him, I might change my mind.

"Ha? Kailan? Paano? Bakit?"

"Just earlier. Don't tease okay?" hinawakan niya ang braso ko at ipinaharap sakanya. Umiwas ako ng tingin. My heart's beating so fast.

"Look me in the eye and tell me you really like or love Brix," matigas na sabi niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Gusto ko ng matapos ito kaya tinignan ko siya ng diretso.

"I like Brix. Support naman diyan oh, Lee twin," dahan-dahan niyang tinaggal ang pagkakahawak niya sa akin. Pareho kaming natahimik hanggang sa pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Alright, good luck. Una na ako sa baba," I saw him smile. This is supposed to make things easier! Napayuko ako at naluluha na. Dapat kinausap ko muna si Czar at Brie eh. Habang nag-eemote ako dito, may biglang nagsigawan sa baba. Kumaripas ako ng takbo at naabutang nakapatong si Lee kay Brix at sinusuntok ito. Parehong hinihila ni Ray at Thom si Lee.

"Sinugod nalang bigla ni Ryan si Brix!" sabi ni Brie.

"Can't we not have a day that's not about you people?!" komento ni Diane sa tabi. Napaghiwalay nila ang dalawa. Dumudugo ang labi ni Brix at Lee. Gusto kong lapitan si Lee pero nandoon na si Yaj at inakay na niya ito palayo sa grupo.

"Bigla nlang niya akong sinigawan ng 'g*go' saka sinuntok," lapit agad ni Brix sa akin.

"Dine-deny pa kasi eh," mahinang komento ni Brie sa tabi ko. The plan for an overnight fell apart. In the end, umuwi rin kaming lahat. Gustong maki-overnight nina Brie at Czar sa bahay kaya pumayag rin ako pagktapos kong ipaalam. Hinatid kami ni Brix at pagdating namin sa bahay at wala si Lee.

"Nasilip ko 'yung kuwarto ni Ryan kanina at ang daming picture ni Yaj doon. Isn't it weird na parang nagseselos siya sa inyo ni Brix?" sabi ni Czar habang nakahiga kaming tatlo.

"Nagalit nga siya sa akin dati noong ginalaw ko 'yun."

"Kayo na ba talaga ni Brix?" tanong ni Brie.

"Ewan ko, yata?"

"Here's an honest opinion," umupo si Czar, "I think you're torn between Brix and Ryan. Or maybe may mas nakakahigit pero ayaw mo lang i-accept ang katotohanan dahil ayaw mong masaktan. I really hate it when you shut your world and hide inside your cocoon. Kahit na kinakausap mo kami at sinasabihan ng mga konting bagay, nahahalata parin namin na parang ayaw mong may malapit sa'yo ng husto."

"Czar is right. We can't force you to tell us everything but atleast let us in," sunod ni Brie. I sat up straight. Ang sakit ng ulo ko.

"I'm just so scared. Baka kasi biglang maglaho ang lahat at iwan ako. Siguro ganito ako dahil iniisip ko na in the future it will hurt less kapag may umalis," tugon ko sa dalawa. They both hugged me. We ended up talking about the project instead of Lee and Brix. Sometimes I think they're telepathic. I didn't realize I was pushing them away. Hays.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon