Chapter 13

33.9K 458 55
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV'Babalikan sana kita kanina pero naunahan lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

'Babalikan sana kita kanina pero naunahan lang ako. Sorry, Lee' – Iyan naman dapat ang sasabihin ko sakanya eh. 'Yun nga lang, nang makita kong ihinatid siya ni Brix, kung anu-ano na ang lumabas sa bibig ko.

EARLIER. "Rai, I'm scared. Paano kung hindi na magising si Dad?" ang higpit ng yakap ni Yaj sa akin.

"I'm right here. Anong sabi ng mga doktor? Wala pa ba si Brix?"

"I think he's on his way. The doctor said dad's still under observation, sobrang taas daw kasi ng blood pressure niya."

"Ah. I'll grab something to drink. Water?"

"Yes, water will do. Thanks Rai.. Babe, for coming right away," tugon niya. Ngiti lang ang binalik ko bago siya iniwan. Kailangan ko rin kasi ng tiyempo para tawagan si Lee. Hindi niya kasi sinasagot ang phone niya. Naka-silent nanaman ba'yun? Kahit anong text at tawag ko ngayon, wala akong nakuhang sagot mula sakanya. Pagbalik ko sa ICU, nandoon na si Brix.

"Rai, bakit kayo magkasama ng ganoon kaaga ni Lhaine?" tanong agad ni Yaj.

"Nakatira kami sa iisang bahay," simpleng sagot ko. Wala na akong oras para maghanap ng rason at lalabas at lalabas din naman ang katotohanan.

"Ano?" sabay silang dalawa.

"Kailan pa? Bakit? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Brix.

"Siya nalang ang tanungin niyo kung gusto niyong malaman. It's not something for me to disclose."

"Bullsh*t. Ihahatid mo dapat siya hindi ba? Kung ganoon, bakit ka nandito? Nasaan siya?" bigla nalang akong kinuwelyuhan ni Brix.

"Brix, let him go. That's not the issue right now. Is that why she's that confident? She's really a bad news. Please don't fight!" tumaas ang boses ni Yaj.

"Watch your mouth!" sigaw ni Brix kay Yaj.

"Shh! Nasa ospital kayo," tawag-pansin ng isang nurse sa amin. Doon lang ako binitawan ni Brix. Umalis siya sa harap namin.

"Babe, you didn't tell me because you knew I'd be jelous right? It's not like you don't trust me, right?" yinakap ako ni Yaj. Talk about trust.

"Is she your sister? I'm so confused," tuloy niya.

"Something like that. Saglit lang Yaj," kinalas ko ang pagkakayakap niya. Lumabas ako para tawagan ulit si Lee pero busy na ang number niya.

"Papunta na ako diyan, please wait for me. Papunta na talaga ako," narinig ko si Brix hindi kalayuan sa akin. Linapitan ko siya.

"Si Lee ba 'yun? Nasaan na raw siya?"

"Iniwan mo siya sa highway? What the f*ck is wrong with you?!"

"May nangyari ba sakanya? Ako na ang pupunta, samahan mo nalang si Yaj—"

"F*ck off! Just f*ck off! Iniwan-iwan mo siya tapos ngayon concerned ka?" natahimik ako. Sa tingin ko ay pinipigilan lang niya ang sarili niya sa pagsuntok sa akin. Umalis siya at dumiretso sa parking lot. Malalagot talaga ako kapag may masamang nangyari kay Lee. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung sakali. Umakyat ako sa ICU para magpaalam kay Yaj.

"Kailangan ko siyang balikan."

"Brix just texted, papunta na raw siya. Just stay here with me. Please? I need you right now. I won't ask anything, just stay."

"Yeah, okay."

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon