Chapter 51

24.2K 309 34
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

-TWO YEARS LATER-

"You still pulled it off," bulong ni JM nang makabalik ako sa upuan ko. Parehas kami ng pinasukang paaralan at pati kurso. Niluwagan ko ang necktie ko pagka-upo ko. Hindi ako kinabahan sa presentation ko 'yun nga lang ay pumipintig ang ulo ko dahil sa hangover.

"Of course. Buti nakapasok ka pa, yakap-yakap mo 'yung bowl kahapon sa CR ah," natatawang sabi ko. Hinampas niya ako sa braso.

"I barfed because you were making out with a b*tch."

"Don't care, she's hot," I grinned. Hinampas nanaman niya ang braso ko. Nagsitayuan ang lahag nang mag-ring ang bell. Naging komportable naman akong kasama si JM dito. Bukod sa hindi na siya nakiki-flirt sa akin, marami siyang alam na party dito at magaganda pa ang mga kaibigan niya.

"I'm off," paalam ko sakanya. She glared at me.

"To another date? Tikim-tikim nalang ba talaga ang gagawin mo?" prankang sabi nito.

"Ouch nasaktan ang feelings ko," madramang sagot ko saka natawa. Sinipa niya naman ako ngayon sa tuhod ko.

"Hey, stop it. Baka pagkamalan pa tayong item dito," pigil ko sakanya.

"As if! Baka nakalimutan mong may boyfriend na ako. In fact, aalis na ako dahil naghihintay siya sa labas," inirapan niya ako bago tinalikuran para tumungo sa rear exit ng building. Napangiti nalang ako habang sinusundan siya ng tingin. Panay ang banggit niya ng boyfriend pero ni minsan ay wala pa siyang pinapakilala sa loob ng halos dalawang taon.

"Interesting," mahinang sabi ko saka lumabas para sundan si JM. Pinapatay ako ng curiosity ko eh. May sumalubong sakanya at humalik sa pisngi niya. Binilisan ko ang lakad para maabutan sila at makita ang mukha ng lalaki. Napatigil lang ako nang makita ko na si Zenrid ang kasama niyang sumakay sa taxi. Teka, hindi ba dapat si Zenrid at si...Lee?

Gusto kong tawagan si JM para tanungin kung tama ang nakita ko pero nangibabaw ang pride ko. Halos dalawang taon kong pinigilan ang sarili ko para hindi banggitin ang pangalan niya o di kaya ay makakita ng kung ano mang konektado sa kanila. So, why start now? Besides, kung gusto naman talaga akong makita ni Lee ay marami namang paraan. Kahit nga yata sa mga magulang ko ay pinutol narin siya ang lahat. One thing more, si JM lang ang nakaka-alam na bumalik na ang ala-ala ko. Why bother telling everyone?

"Dude, your car's pretty messed up. It's gonna take another week to fix this," lumapit ang mekaniko ng shop.

"Alright man, thanks," sagot ko nalang at umalis. Pangalawang sasakyan na ito na nasira kaya dapat ay hindi malaman ng mga magulang ko. Naglakad ako sa pinakamalapit na cafe at pumuwesto sa labas para puwedeng manigarilyo.

"It really is Ryan!" isang babae ang lumapit at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya mamukhaan.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon