Chapter 46

25.3K 315 39
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Natagalan ako sa bawat exam namin. Kahit na hindi masakit ang ulo dahil sa malalakas na gamot ko ay hindi parin ako makaconcentrate ng husto. Nalaman ko na magaganda ang mga scores ni Lee sa mga pahabol niyang projects and assignments. Talaga ngang desidio siyang umagalis agad. Also, mamayang gabi na pala iyong plinano nilang overnight beach outing.

"Akala ko hindi mo ba bibitawan ang test paper mo eh," pabirong sabi ni Brix nang makita ako. Nadaanan ko sila habang papunta sa lockers. Uwian narin kasi ng mga gamit ngayon.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko sakanila. Kasama niya ang grupo nina Diane at si Yaj.

"We were wondering I should be mean there just like the last time when we did our project," sagot ni Diane.

"If I should cook another terrible dish," sunod ni Yaj. Nagtawanan tuloy kaming lahat.

"Hindi naman kailangang i-reenact 'yung mga nangyari doon eh. Pupunta tayo doon para mag-enjoy, 'di ba?"

"Of course, just a thought, mag-eenjoy naman talaga tayo eh," tinignan ni Erika si Brix nang sumagot siya. Aba, parang may 'spark' sakanilang dalawa!

"Pauwi ka na ba? Isasabay na kita at mukhang marami kang dala," inakbayan niya ako at pinaghihila palayo sa grupo.

"Ahk—sina Brie—" kontra ko pero wala akong laban sa lakas niya. Sa huli ay sumabay nalang ako sakanya.

"Sila na ang bahala sa preparation. Let's talk, parang lagi kang wala sa sarili kapag kinakausap kita lately," simula niya nang umandar na kami.

"Talk? Hmm, Erika?" I said teasingly.

"That..." medyo namula ang mga pisngi niya! I knew it! Everyone's already moving on with their lives and I'm really happy for Brix. Puro sakit at pag-aalala rin lang ang naibigay ko sakanya kahit na sa lahat ng bagay ay sinuportahan niya ako.

"Kanino ka sasabay mamaya?"

"Hmm, may sasabay ba sa'yo? Si Erika?" banggit ko nanaman. There goes the blush again!

"Stop teasing me. Sa akin ka nalang sumabay mamaya kung hindi ka tinawag ni Ryan. Erika will leave together with Yaj."

"Okay. Nakapagdesisyon na pala ako Brix," kalmadong sabi ko pero nanlalamig ang mga kamay ko.

"That's good. Leave or stay, whatever makes you happy," tugon lang niya. Dahil ayaw kong makita nanaman ang nag-aalalang mukha niya ay panay Erika ang binaggit ko sakanya sa buong biyahe. I've never seen him that flustered!

Pagdating namin sa complex ay nandoon si Zenrid sa baba na nakasandal sa isang motor. Nang makita niya ako mula sa sasakyan ay kinawayan niya ako. "Si Zenrid Ace Lee. Hindi ko man maipaliwanag ngayon pero sana magtiwala ka nalang sa akin. I'm not deliberately hurting myself," agap ko agad bago magtanong si Brix.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon