Chapter 35

27K 322 44
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Ayon kina Brie ay sinukahan ko raw talaga si Lee at na si Lee rin ang naghatid sa akin pauwi. Sinubukan kong kausapin si Brix pero mukhang iniiwasan niya ako. On a positive note, nagkabati na raw sina Thom at Czar dahil nag-usap sila ng husto. They met halfway I guess.

"Lhaine, nakikinig ka ba? Ang sabi ko, may meeting daw ang mga class representatives mamaya," kumaway-kaway si Brie sa harap ko.

"Ah oo. May nagawa o nasabi ba akong mali kay Brix kagabi?" iba ko ng usapan.

"Kailan ka ba walang ginawa sakanya? Ikaw nga yata ang laging laman ng isip niya," singit bigla ni Yaj. Naki-upo siya sa lunch table namin.

"Harsh," komento ni Brie.

"Nagbasa pala ako sa internet at ang sabi ay posibleng makatulong sa isang taong may acute stress order kapag ipinupunta siya sa mga pamilyar o memorable na lugar sakanya," singit ni Czar.

"So anong plano?" sabat nanaman ni Yaj. At that moment, bigla kaming dumami sa table dahil naki-upo rin si Erika, Diane at Kath. Ang common place na napag-usapan nila ay ang beach sa kung saan kami gumawa ng project dati at ang paintball war noong family day. Sa kalagitnaan ng usapan nila ay tumayo ako at umalis sa cafeteria. Ang lakas ng pagpintig ng ulo ko at wala na akong maintindihan sa pinagsasabi nila. Worse is, parang gusto kong pabayaan nalang lahat. Let nature take its course kumbaga.

"Not eating lunch again?" nakasalubong ko si Brix habang papunta ako sa garden.

"Headache or hangover," sagot ko sakanya.

"Halata nga, ang putla mo eh."

"I feel like giving up. Hindi ko na alam kung ano ang gusto kong mangyari," amin ko sakanya. I felt guilty pero napapagod naman talaga ang tao at sa tingin ko ay ito na ang limit ko. Gusto ko lang naman ng normal na buhay.

"That's up to you. Hindi na kita bibigyan ng kung anu-ano pang advise diyan. There are some things you have to solve on your own. You taught me that," huminto siya sa paglalakad.

"You're the best," nginitian ko siya. Nagpaalam ako na may kailangan pala akong daanan sa club room para lang maghiwalay kami. I've been selfishly clinging to Brix. Yaj just reminded me earlier to stop hurting Brix.

Nasa science lab kami para sa huling subject namin. Naki-usap sina Tita sa akin na lumipat muna ulit ako pansamantala sakanila para tulungan si Lee sa pag-aaral niya. Hindi nga lang muna ako nag-oo dahil gusto ko munang tanungin si Lee.

"Ms. Ramos, are you okay?" lumapit ang teacher sa akin. Nakatuon naman ang atensiyon ng buong klase sa akin. Tinuro ni Yaj ang nasa paanan ko nang magtama ang tingin namin. Hindi ko namalayan na nahulog ko pala ang beaker na hawak ko. I must've spaced out again.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon