Chapter 30

28K 348 54
                                    

Ryan Lee Sanchez - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez - POV

NAPASINGHAP ako at naghabol ng hininga nang magising ako. Nangingig ang katawan ko sa ginaw. I'm not dead but where in the world am I? Sa tingin ko ay naalon ako dito sa kinaroroonan ko ngayon. Other than that, everything's blue—the wide blue calm ocean.

Punit-punit ang damit ko at may dugong umaagos sa pisngi ko. Sa tingin ko ay hindi naman seryosong injury ang natamo ko. Tumayo ako mula sa tabing dagat. Nasa bulsa ko ang cellphone ko (na hindi na mag-on at may basag ang screen) kasama ng maliit na box na ang laman ay ang regalo ko dapat kay Lee. Pati relo ko ay nasira kaya wala akong ideya kung anong oras na. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit ko paring tumayo at maglakad para ikutin ang kinaroroonan ko. Sa tingin ko ay isa itong maliit na isla. Hindi ko alam kung may darating agad para saklolohan ako kaya kailangan kong maghanap ng paraan para makatagal dito. I can't die, Lee will be devastated.

"HEY! PLEASE HELP ME!" may isang babaeng tumakbo para salubungin ako. Punit-punit rin ang damit nito at duguan ang magkabilang kamay niya.

"Survivor," nasambit ko. Nabuhayan ako ng loob na baka hindi ganoon kalala ang impact ng pagbagsak ng eroplanong sinasakyan namin.

"Please help me. There's someone with me and she's really hurt," umiiyak na sabi nito.

"Let's go," sabi ko agad. Sinundan ko siya hanggang sa kabilang parte ng isla. Isang chinitang babae ang nakahiga sa buhangin at may malaking bukas na sugat ito sa tiyan.

"Sh*t..." napaurong ako. My brain started to panic and my stomach started to hurt. Umiiyak ang isa at ang isa naman ay naghihinalo na sa paghinga.

"Chian, please don't die! PLEASE HELP HER!" sigaw ng sigaw ang babaeng lumapit sa akin kanina.

"You made it this far, please hang on," sambit ko sa nakahigang babae. Pinunit ko ang natitira sa T-shirt ko para ibenda sa sugat niyang hindi matigil sa pagdugo.

"Her name's Chian, I'm JM. Filipino too?" tanong ng isa na medyo nakalma na. Chian's desperately gasping for breath and we can't do anything.

"Yeah, Filipino. You can call me Ryan. Kailangan nating gumawa ng apoy bago dumilim," iniwan ko silang dalawa para maghanap ng kahoy o kahit na anony puwedeng masindihan. What the heck, that girl was seriously injured which means I was just lucky. For how long though? Somewhere out there Lee must already know about this and she must be crying at this moment.

Bumalik ako sa puwesto ng dalawa nang makakuha ako ng ilang tuyong kahoy at dahon sa ibat-ibang parte ng isla. Kinakausap ng kinakausap ni JM si Chian. Putlang-putla na si Chian at panay ang pag-ubo nito ng dugo.

"I have a working lighter here. Can you please hurry and build a fire now?" tensiyonadong sabi ni JM nang makita niya ako. Tahimik ko lang na kinuha ang inabot niya at nagsimula na sa paggawa ng apoy. We ended up eating wild berries, which I think is safe. All those chats with Lee about plants are now coming in handy. Nagsalitan kami ni JM sa pagbantay kay Chian. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Bakit wala paring naghahanap sa amin?

***

Agad akong nagising nang marinig ko ang sigaw ni JM. Mura siya ng mura habang umiiyak sa tabi ni Chian. Maliwanag na ang paligid pero wala paring naghahanap sa amin.

"She's not breathing. I tried to wake her up but her eyes won't open."

"Chian..." tawag ko parin sa walang malay na katawan ng kasama ni JM. Wala akong makapang pulso niya, hindi ito humihinga at wala na rin siyang heartbeat. Sinubukan ko siyang i-CPR pero wala talaga.

"Chian's dead? She's gone, isn't she?" hindi makapaniwalang sabi ni JM. Tumango ako bago iwanan ang katawan ni Chain. Kailangan kong lumayo dahil hindi ko mapigilang maluha. Someone's got to help us!

"Hey," nilapitan ako ni JM at umupo sa tabi ko. Ang taas na ng sikat ng araw at ang sakit nito sa balat.

"I'm sorry about your friend."

"Thank you for taking care of her until the last minute."

"It's what anyone would do at this situation."

"So here's a thing or two about Chian. She loves to bake and cook. On this trip we were supposed to go to Cebu and visit my Dad. She loves her friends..." she started to sob.

"I'm sorry," mahinang tugon ko. There were things floating ashore. May nakuha kaming ilang tela na ginamit namin para ipangtakip kay Chian. Every second on this island is agonizing. We have a dead body here and we don't have enough food nor a drinking water.

Kuwentuhan ang naging pampalipas oras namin ni JM. She talked a lot about her family and I talked about my Lhaine Lee. Bumuo kami ng malaking 'SOS' sign sa seashore gamit ang mga kahoy pero walang dumarting. It's been four or five nights I guess and no one's still coming to get us. Unti-unti nang bumibigay ang katawan ko.

Kung mamatay man ako dito, may isang bagay akong gustong balikan at baguhin: sana hindi ko nalang nakilala si Lhaine Lee dahil alam ko na masasaktan siya kapag nawala ako.

Sana hindi nalang ako nahulog sakanya. Sana hindi nalang magkakilala ang mga magulang namin. Sana panaginip lang niya ang nangyari sa taong ito. Sana makahanap siya ng taong magmamahal sakanya ng lubos gaya ng pagmamahal ko sakanya. Sana hindi siya pabayaan ni Brix. Sana—

"Hey Ryan, matutulog na ako. I'm really tired and no one's coming. It was nice meeting you," sabi ni JM habang nakahiga hindi kalayuan sa akin. I closed my eyes too and the last thing to flash on my mind was Lee's face smiling. Sorry Lee, mukhang hindi na ako makakabalik. I wish I could say 'I love you' one last time.

"Sana hindi nalang kita nakilala Lhaine Lee..."

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon