Chapter 21

35.4K 542 53
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Na-outbalance ako nang sugurin ako ni Yaj. Lumutang ako sa hangin. Ah, ito siguro ang pakiramdam ng may pakpak. Napapikit ako hanggang sa may yumakap sa akin. Parang slow motion sa una hanggang sa bumilis ang lahat at ramdam na ramdam ko ang impact ng pagbagsak namin ng 'yumakap' sa akin. May narinig akong sigawan at mga nagmamadaling mga padyak.

"B..Brix..." namuo agad ang takot sa buong katauhan ko nang makita kong nakapatong ako sa walang-malay ka tawan ni Brix. Lumapit si Lee at inilayo ako agad sa katawan ni Brix.

"Tumawag kayo ng ambulansya, hindi siya gumagalaw! Sh*t, 'yung nurse o kung sino man, dalian ninyo!" sigaw ni Lee sa mga naipong tao sa paligid namin. I froze, is he even breathing? I don't want to look.

"Are you okay?" tanong ni Lee. Nakita ko ang dugong umagos sa ulo ni Brix. Panay ang pagtawag ni Lee sa pangalan ko.

"B..Brix..." I still managed to say before everything around me went black.

Napasinghap ako nang magising ako. Napanaginipan ko kasi si Brix na nagpapaalam sa akin. "Kararating lang natin sa ospital, c'mon let's get you checked," tinanggal ni Lee ang seatbelt niya at isinunod niya ang akin.

"Nasaan si Brix?" tanong ko kay Lee. Hindi siya sumagot, imbes ay bumaba siya mula sa sasakyan. Naramdaman ko ang hapdi sa bandang tuhod at braso ko.

"Bubuhatin na kita," binuksan niya ang pinto sa tabi ko.

"Sabihin mo muna kung nasaan si Brix."

"Si Brix..." hindi niya ako matignan ng diretso. Imbes ay yumuko siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ano na? Sabihin mo na, natatakot na talaga ako."

"Huwag mong sisisihin ang sarili mo," kumalas siya sa yakap. Seryosong-seryoso si Lee which made me more nervous.

"W-wala na ba si Brix?" tuluyan na akong naiyak.

"Nasa operating room siya ngayon. Ang sabi ni Ray, fractured thigh bones daw. Naghihintay ang lahat. Imposibleng hindi niya makayanan, masamang damo 'yun," pilit siyang ngumiti.

"Nagpapaalam siya sa panaginip ko. What if—"

"Calm down. The doctor's assured that it wasn't fatal. Tara na rin sa loob para matignan 'yang sugat mo o kung may iba ka pang injury."

"Huwag na, galos lang ito kumpara kay Brix. Lee, anong gagawin ko? Paano ko haharapin si Brix?"

"Humarap ka bilang Lhaine Lee at magpasalamat."

"How can I even do that? Kasalanan ko kung bakit siya nasa operating room!"

"Sinadya mo bang ihulog ang sarili mo sa hagdan? Inutusan mo ba siyang sagipin ka? Dapat kasi nahila kita doon eh..." lumayo siya mula sa sasakyan.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon