Chapter 48

23.6K 278 22
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Nang malaman ng iba na umalis si Lhaine ay nagdesisyon silang sumunod. Aalis narin sana kami ni JM kanina pero bigla nalang akong sinuntok ni Brix sa mukha.

Nang matumba ako ay pinaghahatak niya si JM at pinakay sa sarili niyang sasakyan. Kasama kong naiwan si Thom at Ray at sa buong oras na nasa tapat kami ng bonfire ay nag-inuman lang kami.

Lumipas ang ilang oras ay bumalik si Brix na may dalang ilang packs ng beer.

"Buti nalang bumili pa ako," lumapit at umupo si Brix sa tabi ko. Nagbukas siya ng isang beer. Hindi kalayuan sa amin ay ang lasing na sina Ray at Thom.

"Hinatid mo siya?"

"I did not murder her if that's what you're asking," ngumisi ito. May benda ang kamay niya at sa tingin ko ay hindi lang ang mukha ko ang sinuntok niya.

"Nakauwi narin ba ang lahat?"

"Oo, tumawag si Brie kanina. Ang sinabi ni Yaj ay may plano ka? Alin doon? Ang magdala ng ganoong klase ng babae?"

"Wala akong intensiyon na sirain ang araw na ito. Oo may plano ako at hindi kasama si Zenrid doon."

"Doesn't matter now. Thanks for the puch by the way."

"Binigyan ka na ba ni Lhaine ng sagot?" binalewala niya ang sinabi ko.

"Almost. May ilang araw pa at gusto kong magpaalam kami sa isa't-isa ng matino. Sa oras na bumalik ako dito ay sumentro ang buhay ko sakanya at ganoon din siya pero sa huli ay wala talaga. Sa tingin mo ba may ganitong pahirap para sa mga tanong nakatadhana?" naging melodramatic na ako. Wala na kong ibang mapagsasabihan eh.

"Wala na kaming magagawa kung iyon ang gusto ninyong dalawa. Good riddance, Sanchez."

"Salamat, Risaralda."

Inubos namin ang dala niyang beer. Sa totoo lang masakit pero gumaan din kaunti ang loob ko.

I don't want to play this sick game anymore. Kahit na hindi totoo, paniniwalain ko nalang ang sarili ko na pinaglaruan ako ni Lhaine Lee para wala na talaga akong lingunin.

It's time to move on and find my own self.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon