Chapter 1

104K 1.2K 139
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Pangatlong araw pa lang ng second year ay nagkakagulo na ang buong paaralan dahil sa isang transfer student na ngayon pa lang papasok. Ayon sa ibang nakakita, 'cute' o 'guwapo' raw ito. Ang tanong ko naman: anong bago? Marami naman talaga kasing 'cute' o 'guwapo' dito eh, iyon nga lang, minsan hanggang 'looks' lang ang pinagmamalaki nila. Ewan ko sa mga schoolmates ko. Imbes na lessons ang inaaral nila, mas pinaguukulan pa nila ng oras ang biography ng ibang tao. Kung biography kaya ni Jose Rizal o Emilio Aguinaldo ang pag-aralan nila?

"Lhaine, malapit ng mag-flag ceremony. Hindi ka pa ba lalabas?" Sumilip si Czarina sa pintuan ng classroom namin. Si Czarina Acosta, Czar for short, ay isa sa dalawang malapit sa akin sa paaralang ito.

"Tapusin ko lang," sagot ko sa kanya at saka nagpatuloy sa pag-check sa mga wavers na pinakolekta sa akin ng class advisor namin. May school retreat kasi kami bukas, isa iyong tradisyon ng paaralan namin bago kada unang linggo ng pasukan.

"Mamaya na 'yan! Naku, halika na at abangan rin natin ang transfer student!"

"Eh? Kailangan ko na itong isubmit bago magsimula ang class eh. Tsaka, alam mo namang wala akong paki-alam sa mga bagay na 'yan eh."

"Ah, oo nga. Nakalimutan ko na Maria Clara nga pala ang best friend namin," natatawang sagot niya.

"Mang-aasar pa talaga eh. Hanapin mo nalang si Brie, siguradong excited na rin iyon."

"But of course. Sunod ka na agad, malapit na talaga flag ceremony. Dapat talaga sa'yo magka-boyfriend para maiba ang perception mo sa mundo eh."

"Ako? How about no!" natatawang sagot ko.

"O siya, tapusin mo na 'yan at lumabas ka na rin," sabi nito bago kumaway at umalis na. Halos patapos ko na din naman ako sa ginagawa eh. Ako kasi ang class representative kaya't ako talaga ang dapat na gumawa nito.

Naiwan ulit akong mag-isa sa classroom. Iyon naman ang isa sa malaking pagkakaiba naming magkakaibigan. Mahilig silang mag 'fan girl' sa mga cute o poging celebrity at schoolmates o kahit sino yatang madaanan. Abnormal nga raw ako dahil wala akong 'crush' sa edad na ito. May crush din naman ako ah. Or more like idols and role models. Sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Pablo Amorsolo, at marami pa. Normal iyon, hindi ba? Sabi na nga ba eh, normal ako!

Pagkatapos ko ng pinagawa sa akin ay idinaan ko na agad iyon sa faculty room. Papunta na sana ako sa flag ceremony nang bigla kong maramdaman na parang gusto ring mag-flag ceremony ng tiyan ko. FLAG CEREMONY SA CR! Tumunog nang malakas ang tiyan ko, kung may tao siguro sa corridor ay rinig na rinig iyon. In short, natatae ako! Expired yata ang gatas na ininom ko kaninang umaga!

Tumakbo agad ako sa pinakamalapit na CR. Halos madapa-dapa na nga ako sa kakamadali. Pinasok ko ang unang pintuan na makita ko nang lumantad ang 'Comfort Rooms' na sign. Diretso akong pumasok sa isang cubicle, umupo at naglabas ng dumi. Ang lakas ng amoy at tunog—seryoso, parang hihimatayin ako sa amoy. Success! Kakanta-kanta pa ako pagkatapos kong mag-flush. Pagbukas ko ng pinto—

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon