Chapter 5

48.5K 624 43
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

Dumaan ang mga araw at pare-parehas ang naging routine namin ni Ryan Lee. Medyo naging okay naman pagkatapos ng araw na ihatid niya ako eh. Yun nga lang, he went from 'annoying' to 'very annoying'.

"Paturo naman," linapit niya ng husto ang upuan niya sa tabi ko.

"Saan?" tinignan ko ang pinapaturo niya. Buwisit, iyong assignment pala namin eh!

"Eh hindi naman turo ang kailangan mo eh, kopya! Gawin mo mag-isa mo," irap ko.

"Kaya nga nagpapaturo dahil hindi ko alam," mas iritado pa siya sa akin. Para lang matigil siya, gumamit nalang ako ng ibang example para hindi eksaktong iyong Math problem na assignment namin. Nakikinig naman siya minsan eh kaso lang baka pagkatapos ng ilang oras nakakalimutan na niya agad. Sa mga by pair na activities, siya lagi ang kasama ko, kahit nga minsan sa mga groupworks eh. Malapit na rin ang periodical exams na, good luck nalang sa kanya.

Nagsi-upuan ang lahat nang pumasok ang teacher namin. "Good morning class, before we start, you all know that it's almost the exam week and I'm concerned about some students. The teachers will have a meeting about this beta strategy. I'll update you next week."

Napatingin agad ako sa katabi ko dahil napa-mura siya. Sabi na eh, nakkita ko kasi ang mga quiz papers niya at ang bababa. Pagkatapos ng klase namin, nagmadali akong umalis, kailangan ko ulit mag-grocery eh.

"Lhaine! Uuwi ka na ba? Sabay tayo," nakilakad sa tabi ko si Brix.

"Ah, hindi pa. May pupuntahan pa ako eh."

"Mag-isa mo?"

"Kasama ako," bigla sumulpot si Ryan Lee at inakbayan ako. Hindi talaga ako tatantanan nito eh.

"GET. LOST. PLEASE," diin ko.

"Ako?" Sabay pa silang dalawa. Two birds in one stone. Tumango ako at umalis sa tabi nilang dalawa. Kung hindi si Ryan, si Brix naman kaya nagiging tampulan kami ng atensyon. Paglabas ko ng campus, nakita ko si Czar at Brie.

"Ikot," sabi agad ni Brie saka sinisilip-silip ang bandang puwetan ko.

"Bakit? May tagos ba?"

"Wala. Hinahanap niya lang 'yung dalawang buntot mo," natatawang sagot ni Czar.

"Weird, wala ang dalawa o kahit isa man lang," mapang-asar na sabi ni Brie. Ang lakas talagang mang-asar ng dalawang ito. Siguradong si Brix at Ryan ang tinutukoy nila. Halatang-halata na raw kasi eh di dapat mamili na ako sa dalawa total normal lang naman daw at parte ng pag-laki ang relationships.

"Tama na po ang joke time. Saan lakad ninyo? Sa grocery ako."

"Double date. Tatawagin ka sana namin pero siguradong hi-hindi ka eh," sagot ni Czar. Palapit sa amin ngayon sina Thom at Ray. Oh.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon