Chapter 16

36.2K 492 84
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Ilang araw na akong hindi makatulog at ngayong halos makukuha ko na ang tulog ko saka pa may tumatawag. Napilitan akong bumangon para sagutin ang tawag. "Hello," sagot ko ng hindi man lang tinignan ang caller ID.

"Rai, nasa labas kami ng bahay ninyo. Nakalimutan mo ba na shooting ng music video natin ngayon?"

"Yaj! Alam mo namang dito nakatira si Lee."

"I called her earlier she said it's okay," habang nag-uusap kami ni Yaj bumangon ako para puntahan ang kuwarto ni Lee. Mukhang wala nga siya, nakailang katok na ako pero walang nagbukas eh. Teka, tinawagan niya? May mali yata dito ah. Naghimalos ako saka lumabas. Nandoon na nga ang buong grupo kasama si Czar at dalawa pang iba.

"So this is the house," bulong ni Czar sa akin. Tsk.

"There you are. We modified some parts sa script. Can we shoot the first scene here?"

"Yeah, okay," tipid na sagot ko. Wala akong ideya sa kung ano ang gagawin namin. Mas tinatanong ng utak ko kung nasaan si Lee at hindi man lang nagsabi. Damn. Pumasok silang lahat sa bahay. Umakyat ako para kunin ang isa pang camera na gagamitin namin.

"Where's her room?" sumunod pala si Yaj.

"Across. Anong pinag-usapan niyo ni Lee?"

"I didn't bully her if that's what you're asking. We're quite okay now. Nakakainggit naman lagi kayong magkatabi at magkasama. It must be painful for Brix too."

"Sa susunod sa akin ka humingi ng paalam at huwag kay Lee."

"It was actually her idea. Anyway, nagluto ako para sa lunch ng group. I'm sure magugustuhan mo."

"Excuse me mga love birds, sorry sa abala paano daw iconfigure yung high tech na camerang dala mo, nangangain daw kasi ng tanga eh," nasa labas lang ng pintuan ko si Czar.

" Mauna na ako sa baba Rai, sunod ka agad," nagmadaling bumaba si Yaj.

"Czarina, nasaan sina Lee?"

"Gumagawa rin ng project. Ikaw 'tong kasama sa bahay eh," sagot niya bago sinundan si Yaj sa baba. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Lee.

"Hindi ka nagpaalam," sabi ko agad nang tanggapin niya ang tawag.

"Gumagawa ng project. Nag-iwan ako ng note sa ref, kung gutom ka na, ipainit mo nalang 'yung pagkain diyan."

"Saan kayo gumagawa? Alam ba nina Dad kung nasaan ka?"

"Sa beach— Brix naman eh! Tama na, kanina ka pa kuha ng kuha ng litrato!" sabi niya sa kabilang linya at tawa pa ng tawa.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon